Questions About Remote Learning? Click Here

EERERE
Updated: 2/19/2020
EERERE
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • Matapos ang masalimuot na pagkaulila ni Basilio, siya ay kinupkop ni Kapitan tiyago at pinag- aral kapalit ng pagiging alilang kanin niya.
  • Sa paaralan ay nakaranas siya ng diskriminasyon at pang aalipusta dahil sa kanyang estado sa buhay. Nag aral siya ng medisina at kapansin- pansin ang husay niya sa klase.
  • Binisita ni Basilio ang puntod ng ina at ng kapatid niya at may isang pamilyar na pigura siyang nakita. Nakilala niya ang taong ito bilang si Crisostomo Ibarra na ngayon ay nasa katauhan na ni Sinoun. Balak siyang patayin ni Simoun ngunit hindi ito natuloy dahil inalok siya nito na sumali sa paghihimagsik. Hindi naman pumayag si Basilio.
  • Nakulong si Basilio kasama ang kanyang mga kamag-aral dahil napagbintangan sila sa paggawa ng isang krimen. Lumipas ang ilang araw ay nakalaya na ang kanyang mga kaibigan at siya na lamang ang naiwang nakakulong.
  • Nang makalaya mula sa pagkakakulong, nabalitaan ni Basilio na patay na ang kanyang kasintahang si Huli. Dito ay pinuntahan niya si Simoun at sinabing sasali na siya sa himagsikan, isang bagay na ikinatuwa ni Simoun. Sinabi niya sa binata ang plano niyang pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago sa araw ng kasal nila Paulita at Juanito.
  • Kinausap ni Basilio ang kaibigang si Isagani tungkol sa magaganap na pagsabog sa araw ng kasal ni Paulita. Tinungo ni Isagani ang pinagdarausan ng piging at iniligtas ang mga taong naroroon sa pamamagitan ng paghagis ng lamparang may pulbura sa ilog. Matapos nito ay hindi na nakita si Basilio at naglaho itong parang bula.
Over 13 Million Storyboards Created
Storyboard That Family