dgfgyuhijo

dgfgyuhijo
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

cgvhjiok;l 'jhjhkjl

Storyboard Text

  •     Sa isang natatanging tahanan, ay mayroong naninirahang mag-ina. Silang dalawa ay namumuhay ng lamang ng tahimik at umaasa lamang sa isa't-isa upang mabuhay.
  •     Ang kanilang pamumuhay ay di marangya kaya upang makaraos sa araw-araw ay tumatanggap si nanay Rose ng mga labada. Ang kanyang kinikita dito ay ginagamit nila sa kanilang gastusin at pangtustos rin para sa pag-aaral ni Katelyn.
  •     Si nanay Rose ay isang bulag. Dahil sa kanyang kapansanan ay madalas asarin si Katelyn ng kanyang mga kamag-aral at kaibigan. Dahil dito, palaging niyang itinatago ang kanyang ina sa bahay nang sa gayon ay di siya makita ng mga tao.
  •     Ngunit kahit anong gawin ni Katelyn sa kanyang ina ay tinatawanan at inaasar pa rin siya ng mga tao. Dulot nito, kanyang madalas ibuhos ang kanyang galit kay nanay Rose na kung saan minsan na niyang hiniling dito ang kanyang kamatayan. Dahil sa bigat ng kanyang mga sinasabi ay nakakaranas na ng depresyon ang kanyang ina. 
  •     Isa sa mga mensaheng nabanggit ng pari ay patungkol sa magulang. Dahil dito, naliwanagan si Katelyn sa kanyang mga ginawa sa kanyang ina. Di na niya tinapos ang pagdiriwang at tumakbo patungo sa kanyang bahay upang humingi ng tawad kay nanay Rose.
  •     Buwan ng Abril, dumating na ang araw ng pagtatapos ni Katelyn sa kanyang paaralan. Dito ay mayroong isang paring dumalo upang maging isa sa mga tagapagsalita sa araw na iyon. Marami siyang binanggit na matalinghagang salita ng Diyos at nagbigay ng mga mensahe sa mga batang magtatapos. 
  •     Pagdating sa bahay ay di kanais-nais ang kanyang naabutan. Nadatnan niyang magpapakamatay ang kanyang ina. Sa sobrang pagkagulat ay kanya itong ipinababa at niyakap ng mahigpit. 
  •     Matapos kumalma ay itinanong ni Katelyn kay nanay Rose kung ba't siya nagtangkang magpakamatay. Sagot nito ay dahil gusto niyang matupad ang hiling ng kanyang anak na kamatayan niya. Bumuhos ang mga luha ni Katelyn dahil sa sinabi ng kanyang ina at humingi ng tawad sa kanyang mga sumbat dito.
  •     Matapos ang pangyayaring iyon ay muling nagbalik ang pagmamahal ni Katelyn sa kanyang ina. Kanyang inayusan si Nanay Rose at nagtungo sa paborito niyang kainan noong bata pa siya.
  • Hindi man nakuha ni Katelyn ang mga parangal na nararapat para sa kanya, naisalba naman niya ang kaisa-isa at katangi-tanging kayamanang natitira sa kanya na walang iba kundi ang kanyang ina.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art