Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng Crispino e la Comare. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Padre Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara.
...
Tapos na na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra.
Naku! ...
Tumindig si Padre Salvi o at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra.
At isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneral at ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat ipangamba.
Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo.
Kung gayon ay kami na lamang ang aalis..
Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangako si Ibarra na babalik na lamang siya.