BAS FIL

BAS FIL
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Mga mag-aaral: :Ano-ano  naman kayang mga pangako ang mapapako? :Kapag ba ibinoto natin sya may magbabago sa sistema ng edukasyon?
  • Roberto Bas po tumatakbo po bilang Pangulo. Nangangakong maglilingkod kahit anong mangyari.
  • Mag-aaral: Magandang araw po! May mga ilang katanungan lang po akong gustong malaman at mabigyan ng kasagutan. Kung sakaling ikaw po ang mananalo sa eleksyon na ito. Ano pong mga programa ang aasahan naming maisasakatuparan patungkol sa pagbabago ng sistema ng edukasyon sa ngayon. At sa ilang pangulo na pong nahalal sa kanilang pwesto, hinihiling ko din po na sa pagkakataong ito ay mabigyan na ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa katulad ko pong isang kahig isang tuka na ang tanging pag-asa na lamang ang maayos na edukasyon.
  • Kandidato: Maraming salamat sa iyong magandang katanungan. Bilang isang baguhang mukha sa larangan ng pulitika, nagmasidmasid na rin ako ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang edukasyon. Magsisimula muna tayo sa pagpunan ng kakulangan ng mga guro, silid-aralan, libro, mga gamit pampaaralan. At ang mga estudyante na kailangan ng pangmartikula ay mas bibigyan pansin ng gobyerno, kesa naman mapasakamay ng mga nangungupit ng pera ng bayan.
  • Kandidato: Bibigyan natin ng panahon o pokus ang mga natatanging mag-aaral na sobra ang katalinuhan at mulat na sa mga problemang kinakaharap natin ngayon, nang sa gayon ang mga katulad nila ang syang magaahon sa pagkalugmok ng ating bansa at mapalitan na ang mga nasa pwesto ngayon korap lang ng korap, at pinapakinabangan ang pera ng bayan para lamang sa sariling kagustuhan. .Idagdag pa rito, ang pagbibigay rin ng prayoridad sa mga kabataan na may mataas na antas ng pag-aaral  para makakuha ng magandang trabaho at magpatuloy sa karera nila, dahil sa panahon ngayon hindi na nabibigyan ng prayoridad ang mga gantong klase ng kabataan. Sayang naman ang potensyal nila,  at maaring makatulong sila sa pag-unlad ng bansa natin. At tutulong din sa atin sa pag-ahon sa kahirapan.
  • Kandidato: Huwag kang mag-alala, pagsusumikapan kong mapabago ang maling sistema sa bansa natin. Lalo na ang inaasam nyong maayos na edukasyon ninyong mga kabataan. At mangyayari lamang iyon kung isa ka sa mga magtitiwala sakin. Nais kong hingin ang iyong suporta, kagaya mo at ang mga kapwa ko mahihirap ang una kong tutulungan. Mag-aaral: Maraming salamat po! Inaasahan po namin ang mga sinabi nyo sa araw na ito, susuportahan ka po namin hanggang sa huli.
  • Maraming salamat po!
  • Walang anuman! Mag-aral kayo ng mabuti. Nang sa gayon kayo na ang mag aahon sa kahirapan ng Pilipinas.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store