Pagbisita sa Doktor

Pagbisita sa Doktor
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Magandang umaga din po! Ito po kasing aking anak ay isang linggo ng nilalagnat at may mga butlig pa po na tumutubo sa kanyang mga balat.
  • Ah ganun po ba? Sige po tara po sa kabilang kwrato para matinginan ko po siya.
  • Magandang umaga Aling Rosalie, ano ba ang problema?
  • Sa palagay ko po ay may bulutong tubig ang inyong anak. May nakakasama ka ba na may bulutong tubig, hija?
  • Opo, yung kaklase ko po pero huli na po kasi ng nalaman namin na may bulutong tubig pala siya kaya hindi po kami nakaiwas agad.
  • Pagkatapos kong gawin ang check- up, nadiskubre ko na may bulutong- tubig ang inyong anak. Ang pagkakaroon ng lagnat na higit pa sa isang linggo at ang mga mapupulang butlig ay ilan sa mga sintomas ng bulutong tubig.
  • Ah ganun po ba? May dapat po ba kaming ika-bahala at ano po kaya ang pwede naming gawin para gamutin ang bulutong tubig?
  • Huwag mo muna siyang papasukin ng eskwelahan para hindi siya makahawa. Pwede mong bawasan ang kanyang kuko para maiwasan ang pagkalmot nito sa mga butlig.
  • Wala kang dapat ika-bahala kasi kusa naman itong gumagaling pero reresetahan kita ng paracetamol para bumaba ang kanyang lagnat at mabawasan ang pananakit ng katawan niya.
  • Dapat siyang maligo araw araw. Dapat kang mag-tunaw ng  kalahating kutsarang asin sa tubig at ipamumuog ito sa kanya.
  • Pwede kang maglagay ng oats or baking soda sa tubig na pampaligo niya para maiwasan ang pangangati. Pwede mo ring lagyan ng basang bimpo ang mga butlig para mawala ng panandalian ang kati.
  • Maraming Salamat po! Gagawin ko po iyang lahat. Alis na po kami.
  • O sige po. Maraming salamat po ulit.
  • Walang anuman, mag-iingat kayo. Alagaan mo ang sarili mo Mary.
More Storyboards By rubis01
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store