1

1
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, sa Kaharian ng Talisa, ay may isang lalaki na nagngangalang Gil. Siya ay kilala bilang isang masamang tao sapagkat palagi siya nasasangkot sa mga krimen at pagnanakaw na nagaganap sa kanilang Kaharian. Pagkatapos ng 5 taon na pagkakakulong, nakalaya rin siya.
  • Isang araw...
  • Ako ang kanang-kamay ng ating mahal na si Prinsesa Kira. Narito ako para ipaalam sa inyo ang naging desisyon ng Prinsesa. Siya ay naghahanap ng potensiyal na asawa ngunit bago iyon ay kailangan muna humarap sa matinding pagsubok na kaniyang ipapagawa. Ang sinuman na nais sumali ay dapat pumunta rito bukas.
  • Kinabukasan, madami ang pumunta ngunit nang sinabi na ang mga patakaran at maaari nilang danasin sa pagsali, limang lalaki na lang ang natira. Bago magsimula ang kompetisyon ay nagpakilala muna sila sa isa't isa. 
  • Ako si Ephraim, miyembro ng isa sa pinakamayamang pamilya dito sa ating Kaharian.
  • Ako naman si Bert, isang magsasaka mula sa kabilang bayan.
  •  Ako si Simeon, isang manlalakbay at negosyante.
  • Dahil sa sinabi ni Ephraim, pinagtawanan ng lahat si Gil. Nakitawa na lang din si Gil para itago ang kalungkutan na nadama niya.
  • Ako si Nola, anak ako ng isa sa mga katiwala ng Kaharian. 
  • At ako naman si Gil. Bagong laya lang ako mula sa pagkakakulong ng limang taon. 
  • Kung gayon, may kalaban pala kaming kriminal. Mga kasama, mag-ingat tayo!
  • Matapos ang isang linggo, pinatawag ang limang lalaki.
  • Sa unang pagsubok, kailangan niyo kunin ang bunga ng puno ng buhay. Ito ay makikita 10 bundok mula rito sa Kaharian. Nawa'y magtagumpay kayo sa pagsubok na ito upang magkita tayo muli para sa ikalawang pagsubok.
  • Hayaan mo prinsesa at babalik ako para sa'yo.
  • Nahulog na ata ako sa mahal na Prinsesa. Kung gayon, kailangan ko manalo sa kompetisyon na ito.
  • Umalis ang limang lalaki na ang tanging dala lamang ay ang kanilang pagkain at tubig. Wala silang kaalam-alam sa maaari nilang sapitin sa paglalakbay na iyon.
  • Hindi ko na kaya, ayaw ko na.
  • Kailan kaya tayo makakarating?
More Storyboards By snapgrandeftlrh
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store