2

2
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Pagkatapos ng 6 na buwan na paglaklakbay, tanging sina Gil, Ephraim at Simeon lang ang nakabalik. Di umano, nalunod ang dalawa habang sila ay tumatawid sa ilog sa pagitan ng dalawang bundok.
  • Ngayong nandito na kayo, panahon na para ibigay ang pangalawang pagsubok. Kailangan niyo tumira sa gubat malapit dito ng isang buwan. Dito ko malalaman kung gaano kayo kadiskarte sa buhay. 
  • Mahal na Prinsesa, ikinalulungkot ko ngunit kailangan ko nang umalis sa kompetisyon na ito, Dahil sa una mo na pagsubok ay napabayaan ko na ang aking negosyo. Hanggang sa muli Prinsesa, salamat!
  • Sa pag-alis ni Simeon, si Gil at Ephraim na lang ang maglalaban para sa pwesto.
  • Alam naman natin Gil na ako ang mananalo dito. Hindi pwede maging prinsipe ang isang kriminal dati. Ano na kaya ang sasabihin ng ibang kaharian sa ating kaharian? Mag-isip ka nga!
  • Ano naman ngayon kung kriminal ako dati? Alam ng Diyos na pinagsisihan ko na lahat ng kasalanan ko!
  • Kinagabihan, lumabas si Gil upang magmunimuni. Hindi niya inaasahan na magkakaroon nang malakas na pag-ulan. Hirap na siya makabalik sa kanilang tinitirhan dahil nagiging bayolente na rin ang hangin. Habang nakaupo siya sa ilalim ng puno, nagulat siya sa kaniyang nakita.
  • S-s-sino ka?
  • Ako ang diwata ng gubat na ito. Narinig ko kanina ang pag-aaway niyo ng iyong kasama. Ako ay naaawa sa iyong kalagayan. Mukha namang nagbago ka na kaya bilang isang maliit na gantimpala, bibigyan kita ng isang pagkakataon upang humiling. Kahit ano, kaya ko gawin. Ngunit dapat pag-isipan mo ito ng mabuti.
  • Wala akong kahilingan ngayon diwata, ngunit salamat sa ibinigay mo sa akin na pagkakataon. Ako ay babalik dito kung sakaling mayroon na akong kahilingan.
  • Sige. Bumalik ka na sa iyong tinitirhan ngayong pinatigil ko na ang ulan.
  • Pagkatapos ng isang buwan, bumalik si Gil at Ephraim sa Kaharian. Laking gulat nila nang kanilang datnan ang kaguluhan. Sinakop ng kalaban ang Kaharian ng Talisa. 
  • Nasaan ang mahal na Prinsesa?
  • Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may mangayri sa kaniya ng masama.
  • Nang paakyat sila sa hagdanan, nakita nila si Prinsesa Kira na bihag ng mga kalaban. Dali-daling kinuha ni Gil ang sibat na hawak ng isang bangkay. Inihagis niya ito ngunit ito ay tumama sa Prinsesa.   
  • Prinsesa Kira, patawarin mo ako, hindi ko sinasadya Prinsesa. 
  • Mahal na Prinsesa?! Gil, bakit mo ito nagawa? Kriminal ka nga talaga! Walang lugar ang katulad mo dito! Lumayas ka at wag na magpakita pa!
More Storyboards By snapgrandeftlrh
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art