Questions About Remote Learning? Click Here

Unknown Story
Updated: 3/3/2020
Unknown Story
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • KABANATA 15: ANG MGA SAKRISTANInihanda ni: Olive Mae C. Ganzon
  • Kuya, natatakot na po ako! Gusto ko na pong makauwi sa bahay! Pinagbibintangan po nila akong magnanakaw. Kuya mas mabuti na lang po sigurong magkasakit ako upang mas mapangalagan pa ako ni Inay.
  • Kapatid kong Crispin, tahan na, makakaalis rin tayo dito. Huwag kang mag-alala, kailanma'y hindi ka naging isang magnanakaw. Uuwi tayo dahil may inihandang masarap na hapunan si Inay.
  • Kuya, sana pala ninakaw ko na lang yung 32 piso, para maisasauli ko pa, at may pambili pa ako ng bagong damit ni Inay.
  • Sa patuloy na pagtunog ng batingaw, maririnig ang isang napakalakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Magkasamang nagpapatugtog ng kampana ang magkapatid na sina Basilio at Crispin.
  • Naku po, nagkamali ata ako sa pagpapatugtog ng kampana. Crispin, paparating na ang sakristan mayor.
  • Kuya, umalis na tayo dito!
  • Labis na paghihinagpis ang araw-araw na nararanasan ng magkapatid sa mura nilang edad. Araw-araw ay pinagmamalupitan sila ng sakristan mayor ng simabahan. Pinagbintangan pa si Crispin na isa raw siyang magnanakaw.
  • Hindi kayo maaaring makauwi! Paparusahan ko kayo sa inyong ginawa! At ikaw na bata ka, sumama ka sa akin at isauli mo ang iyong ninakaw!
  • Kuya, tulong! Pakiusap po, pakawalan niyo po ako!
  • Parang awa niyo na po, huwag niyo siyang saktan. Pangako po't magbabayad kami!
  • Hindi natiis ni Basilio ang kalungkutang nadarama ng nakababatang kapatid. Higit 32 piso ang pinaparatang na ninakaw ni Crispin. Bago ang oras na iyon ay sinabihan sila ni Pilosopong Tasyo tungkol sa hapunang inihanda ng kanilang ina.
  • Tumahimik ka na't isauli mo ang iyong ninakaw kundi ay bibitayin ka!
  • Kuyaaaa! Papatayin nila ako! Huwag mo akong iwan!
  • Crispiiiiiiiiin!
  • Inalo ni Basilio ang humahagulhol na si Crispin. Bigla nilang napansin ang maling tunog ng kampana. Di kalauna'y narinig nila ang tila yabag ng mga paa ng taong kanilang kinatatakutan, ang sakristan mayor. Kaya inihanda nila ang kanilang mga sarili sa pagharap dito.
  • Sumipot din ang sakristan mayor at pinatawan ng karagdagang multa si Basilio dahil sa maling pagpapatugtog nito ng kampana, Humingi sila ng permiso upang makauwi ngunit hindi sila pinahintulutan.
  • Sa huli ay sumaklolo si Crispin subalit walang nagawa si Basilio. Kinaladkad siya ng sakristan mayor pababa ng hagdan at palahaw na sumigaw ang bata. Hindi batid ni Basilio ang nangyari sa kapatid. Nagpasya siyang tumakas upang humingi ng tulong sa ina sa pamamagitan ng paggamit ng lubid.
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family