komiks

komiks
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

para sa esp

Storyboard Text

  • Ang ganda naman ng damit na ito!
  • Si Sinteya ay isang shopaholic. 16 pa lamang siya at umaasa sa baon na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang magulang. Dahil sa pagiging shopaholic, ang isang linggong baon ay  pang-isang oras na shopping lang. Isang araw, habang naglalakad sa mall, napagpasyahan ni Sinteya na pumunta sa Department Store upang maghanap ng magandang damit.
  • Hindi tamang kunin ang gamit ng ibang tao para sa personal na kagustuhan. Ibalik ko kaya ito sa may-ari?
  • Para sa bagong damit!!!
  • Nakahanap siya ng magandang damit ngunit wala naman siyang pera. Nais niyang humingi sa kaniyang magulang ngunit alam niyang hindi siya bibigyan sapagkat ibinigay na sa kaniya ang baon niya para sa linggong ito at ginamit niya ito upang manood ng sine.
  • 395 po.
  • Bibilhin ko po ito. Magkano?
  • Kaya napagpasyahan niya na lamang na pumunta sa park. Umupo siya at nagmuni-muni. Nang paalis na siya, saktong-sakto nahulog ang pitaka ng babaeng may kausap sa cellphone at nagmamadali. 
  • AAAAHHHHH!!!!!
  • Nang makita niyang nahulog ang pitaka ng babae, agad niyang kinuha iyon. Ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung didiretso ba siya sa mall at bilhin ang damit na kaniyang gusto? O habulin ang babae at ibalik sa kaniya ang pitakang iyon? 
  • Alam niyang hindi tama ngunit ginawa niya pa rin iyon. Kinuha niya ang wallet at ginamit ang perang nasaloob upang mabili ang damit na iyon. Sabi niya sa sarili niya na "minsan lang 'to. di ko na 'to uulitin."
  • Kinalimutan niya ang ginawa niyang iyon at naglakad na papunta sa kanilang bahay. Habang naglalakad, napansin niyang may sumusunod sa kaniya. Liningon niya iyon at saktong kinuha sa kaniya ang kaniyang bag at iyong binili niya sa mall. Napagtanto niyang iyon ang karma niya. Mula noon ay hindi na niya ginawa ulit iyon.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art