Umuwi si Kapitan Tiyago na malungkot at basang basa ng pawis at itinanong ni tiya isabel kung bakit niya ito nagawa at inamin nga ni Kapitan Tiyago na inutusan lamang siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyang buhay at kaluluwa.
Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria.
Sindak ang mga kausap ni Kapitan lalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga tainga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.Pagkaraang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.
Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Ngunit si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen.
Si Maria Clara ay laging umiiyak dahil sa kanyang sama ng loob at dahil narin sa kanyang ama na pinagbabawalan siyang makipag- usap kay Ibarra.habang hindi pa ito inaalisan ng ekskomunyon ng mga prayle. at hindi inaalintana ang pag- aliw ng kanyang tiya at ni andeng.
Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.