1

1
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Hindi ko nainantay na maubos ko pagkain ko. Tumakbo agad ako para makakuha ng masasakyan papunta kay Aya. Nagmadali akong pumunta sa room niya at nakita ko siyang nasa labas na hirap na hirap maglakad at agad ko naman siyang inalalayan. Palingon lingon akopara hanapin yung nurse habang inaalalayan sya.  
  • Hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko siyang ngumiti at doon palang, kumalma na ako. Inalalayan ko siya sa papunta sa kama niyaat agad naman nagpaalam para pumunta sa doktor. Makikita ang pag alala sa mukha ko habang tinatanong ang doktor. Punong puno ng pag asa para lang gumaling si Aya. Hindi agad nakasagot ang doktor, kinabahan na ako. 
  • Hindi ko kinaya ang sinabi ni Doc. Hindi ko namalayan na napatayo ako. Hindi ko namalayan ang luha sa mata ko ang sakit na nararamdaman ko. Nakita ko si Aya na hirap na hirap na naman at agad akong pumunta sa kanya at niyakap sya.
  • "Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin. Wala akong naisagot. Niyakap ko lang siya at nag usap kami hanggang sa nakatulog siya. Binantayan ko lang siya. Maya-maya tumawag yung mama niya. Agad naman syang pumunta, inabangan ko sya sa labas ng kwarto ni Aya at tsaka sinabi ang sinabi sakin ng doktor.Wala na kaming magagawa kundi ang pasiyahin si Aya sa mga natitirang oras nya. 
  • Dumaan ang ilang linggo, ginawa namin lahat ng gusto ni Aya, basta maging masaya lang siya. Hanggang sa sobra syang nanghina... at hindi namin namalayan na alam na pala niyana hindi na siya magtatagal pero ngumiti parin sya. Nangyari ang lahat ng iyon sa isang buwan. 
  • Dumaan ang huling araw ng kanyang burol. At sa huli binitawan na namin isa isa ang puting lobo na hawak namin. Pinikit ko ang mata ko at sinabing, "Mahal kita Aya,mahal na mahal"
More Storyboards By winona
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store