kabanata 3 part 1

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Custo: “ Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!”
  • Ay, naku, marami na akong nakitang mga ilog at mga tanawin. At ngayon ang may kabuluhan na lang sa akin ay ang mga alamat.”
  • “Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na Batumbuhay noon bago pa man dumating ang mga Kastila at diumano’y tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala ang pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan alamat, ang tungkol sa kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre Florentino.
  • PADRE FLORENTINO: “Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang dalagang kababayan. Subalit ang mag-aaralk ay nakalimot at ang dalaga’y naghihintay habang lumilipas ang panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila ang kanyang hinihintay at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa ang arsobispo ng kweba para sa kanya. Dito sya nanirahan hangga’t mamatay at ditto na rin siya inilibing.”
  • Ben: “Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!”
  • “Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin. Ang lawang ito ay higit na malakisa alin mang lawa sa Switzerland  lahat ng lawa sa Espanya pagsama-samahin man. Nakakita na ako nang mga sanay na mandaragat na nangahilo dito.”
  •  “Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na inilagay ng kanyang kamahalan si Donya Geronima sa beateryo, halimbawa gaya ng sa Sta. Clara, sa halip na bigyan siya ng isang kweba?...Dahil hindi pagiging maginoo ang pagbibigay ng tahanang bato sa isang binigo ang pag-asa. Higit na mabuti pa siguro kung ikulong siya sa Sta. Clara at dalawin na lamang ng paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo? Kayo na humalili sa arsopbispo. Ano sa ang gagawin nyo kung mangyaring sa inyo ito mangyari?
  • Ah Hindi ko mahahatulan na di dapat hatulan ang ugali ng arsobispo at pagsasayang lamang ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Isang araw, may isang demonyo na nag-anyonh buwaya ang nagpataob sa Bangka ng isang intsik. Sa takot ng intsik, nanalangin sya kay San Nicolas. Dininig naman ng Santo ang panalangin ng intsik at ginawang bato ang buwaya.”
  •  “Kahanga-hanga, talagang kahanga-hangang alamat! Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, saan dyan sa lawa napatay ang isang nagngangalang Geuvarra – Navarra – Ibarra?”
  • “Tumingin kayo roon. Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na syang masukol ay tumalon sya mula sa Bangka at sumisid nang mahigit dalawang milya. Nang lumitaw ang kanyang ulo ay itinataguyod siya ng mga bala hanggang sa makita nila na pumula ang tubig dahil sa dugo. Hustong labintatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon.”
  • Nakasama na sa kanyang ama. Hindi ba’t isa rin syang pilibustero, Padre Salvi?
  • Kung gayon ang kanyang bangkay?
  • “Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?
  •  Lagi ko ngang nasasabi, na hindi mo maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon ng marangal na libing.
  • Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?! Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?
More Storyboards By wiwiwiwiwit
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art