Q3M2 | Terminal Activity

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
Q3M2 | Terminal Activity
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • Sa kanyang kabataan, labis na panunukso at pang-iinsulto ang naranasan ni Geraldine Roman mula sa ibang bata. Para sa iba, isang katatawanan ang kanyang kasarian kung kaya't bata pa lamang siya, ay nakakaranas na siya ng diskriminasyon dahil lamang sa kanyang kasarian.
  • Ngunit, sa tulong ng kanyang ama na si Antonino Roman Jr., isa ring politiko, ay nagkaroon muli siya ng tiwala at kumpiyansa sa sarili at muling nagsikap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya nang hindi inaalintana ang mga panunukso ng mga tao sa kanyang kasarian.
  • Noong siya'y kolehiyo, nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at nagkaroon rin siya ng iskolarsyip sa Unibersidad ng Bayang Basque sa Espanya kung saan niya ipinagpursigi ang kursong journalism at nakatanggap ng dalawang master degree dahil sa tinatangi niyang talino at kakayahan.
  • Subalit sa taong 2012, kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas upang maalagaan ang amang mayroong malubhang karamdaman. At dito niya napagdesisyunang iwan ang trabahong senior editor sa isang ahensya ng balita sa Espanya at pasukin ang industriya ng politiko sa ating bansa katulad na lamang ng kanyang ina at ama.
  • Noong halalan ng 2016, siya ay tumakbo sa ilalim ng Liberal Party para sa posisyong 1st District Representative ng Bataan sa House of Representatives kung saan siya ang naging kauna-unahang transgender na congresswoman sa Kongreso ng Pilipinas. Ngunit, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan upang marating ito dahil labis na pamamaliit at pandududa sa kanyang kakayahan ang kanyang dinanas pero hindi siya nagpatinag sa pangbabatikos ng kanyang kapwa Pilipino imbes ay pinatunayan niya ang kanyang husay sa aspetong ito.
  • Matapos niyang ganap na mahalal, ginamit niya ang kanyang posisyon upang ipatupad ang pagkakapantay-pantay sa komunidad ng LGBTQA+ na kinabibilangan niya. Isa siya sa mga mambabatas na nagpasa ng SOGIE Equality Bill na isang batas laban sa diskriminasyon sa iba't ibang kasarian. Naghain rin siya ng mga batas ukol sa turismo, agrikultura, kalusugan, at edukasyon kung kaya't nabansagan siya bilang isa sa "13 Inspiring Women of 2016". Isa siya sa mga kahanga-hangang indibidwal na kabilang sa komunidad ng LGBTQA+.
Över 30 miljoner storyboards skapade