Unknown Story Storyboard av r20210006148
Sök

Unknown Story

Kopiera denna storyboard
Unknown Story

Storyboard Text

  • Tahimik ang tribo namin noon nang misteryosong nagkasugat-sugat ang aming makikinis na pangarap.Nilinlang kami ng mangkukulam na mga tagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain--ang lupain na aming minana sa aming mga ninuno.
  • Tutol ang ama ko, isa siya sa nagdilig ng sarili niyang dugo, limang dekada ang lumipas nagkasakit at namatay ang aking ina, naiwan ako mag-isa, natira na lang sa aking bulsa ang isang bote na may lamang lupa. Isang hapon dumating ang mga Tagalog na may dalang mahahabang baril, pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa at inilagay ko sa isang bote, sabi ng mga Tagalog , utos ng gob., binili ito ni gob.!
  • May nakakurbatang lalaki sa entablado , at itoy nagsalita, nagpalakpakan ang lahat, ano daw? Di ko alam pumalakpak na lamang tayo, iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.Walong taon pa lang ako noon, nagtitinda kami ng hinabing basket,pamaypay, tsinelas, mga palamuti sa bahay at souvenir. Ako ay isang Ata- manobo, pango, maitim, maalon ang buhok
  • Nakakilala ako ng isang Amerikana, si Ms. Winters, kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na buhangin, ang dagat ang kanyang mga mata, sumama ako sa kanya sa Amerika, isa siyang cultural psychologist sa Harvard, pinag-aral niya ako, tinuruan niya ako na magkaroon ng sariling kultura at ngayun ay nakapagtapos na ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod, na ang tanging dala ko lang noon ay isang bote ng lupa.
  • Umuwi kami sa Pilipinas dahil akoy inanyayahan upang parangalan, ako'y matanda na ngunit hindi ako makakalimot sa aking kinagisnan.Ang bote na aking hawak ngayun ay naglalaman ng ispiritu natin ng mga Ata-manobo, habang ako'y nagsasalita parang walang nakakaalam ng nangyari, ang lahat ay nagtataka,ano daw nangyayari at ano daw ang aking sinasabi? Ako lang pala ang nakababatid.
  • Kinabukasan, bago ako umalis isinaboy ko na sa dalampasigan ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay. Paalam.
Över 30 miljoner storyboards skapade
Inga Nedladdningar, Inget Kreditkort och Ingen Inloggning Behövs för att Prova!
Storyboard That Familjen