Saknong 138-139 Sa baong limang tinapayang natira'y isa na lang,di rin niya gunamgunamna sa gutom mamatay.Landas sa sasalungahininakyat nang walang lagim,sa itaas ng dumatingkatuwaa'y sapin-sapin.
Saknong 140-142Doo'y kanyang natagpuanisang matandang sugatan,sa hirap na tinataglaylalambot ang pusong bakal.Ang matanda ay leprososugatan na't parang lumpohalos gumagapang sa damo't kung dumaing...Diyos ko!Anang matandang may dusa "Maginoo, maawa ka,kung may baon kayong dala ako po ay limusan na."
Saknong 143-146"Parang habag na ng Diyos ng tulungan na ang may lunos, Kung sa sakit ko'y matubos ako nama'y maglilingkod."Sagot nitong si Don Juan:"Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay."Sa lalagya'y dinukot nayaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang nagdurusa.Kay laki ng katuwaanng matanda kay Don Juan,halos ito'y kanyang hagkansa ganda ng kalooban.
PALIWANAGDito makikita ang pagtagpo ni Don Juan at ang Leproso.Tinulungan ni Don Juan ang matanda at binigyan niya ito ng isang tinapay na natira. Kahit wala nang pagkain si Don Juan kapag ibibigay niya ang tinapay, Binigay pa rin niya ito na masaya.
Ang aral na makikita dito ay ang pagtulong sa kapwa at pagiging mabait. Kung kaya natin, dapat natin tulongan ang mga tao na kailangan ng tulong. 
Performance Task sa Filipino
40 Milyondan Fazla Hikaye Panosu Oluşturuldu
İndirme Yok, Kredi Kartı Yok ve Denemek İçin Giriş Gerekmiyor!