بحث

Ika-pitong kaarawan ni Felicity

انسخ هذه القصة المصورة
Ika-pitong kaarawan ni Felicity

نص القصة المصورة

  • Septyemre 19,2010 noong ako'y nag celebrate ng aking ika-pitong taong kaarawan. Noong mga panahong ito, ako'y masayang-masaya dahil sa magkakaroon ako ng selebrasyon sa aking paaralan at saaming bahay. Hindi ko alam, uuwi rin pala ang aking ama mula sa Saudi Arabia at isa ito sa highlights ng aking araw.
  • 
  • Bago ako pumasok sa paaralan, dumating na ang aking ama. Sa labas pa lamang ay sinalubong na namin siya ng isang mahigpit na yakap. Bakas sa aking mukha ang labis na kasiyahan dahil apat na taon na ang nakalipas bago pa siya muling nakauwi.
  • Hindi nagtagal, dumating na rin ang aking mga tita upang tumulong sa paghahanda para sa aking kaarawan. Nauna na akong pumasok sa paaralan upang mag-aral at sumunod na lamang ang aking mga magulang upang magdala ng mga pagkaing ipamimigay sa aking mga guro at kaklase.
  • Habang kami'y nasa aming silid, batid din ng aking mga kaklase ang kasiyahan sakanilang mga mukha. Nagkaroon kami ng kaonting palaro at pagkatapos ay kumain na kami ng aking masasarap na handa. Laking pasasalamat ko sa aking mga magulang sa pagtupad ng isa sa mga kahilingan ko na maicelebrate ang aking kaarawan kasama ang aking matatalik na kaibigan.
  • Pag-uwi sa bahay, nadatnan ko naman ang aking mahal na pamilya. Sinalubong ako ng mga ngiti at yakap ng aking mga tita kasama ng aking mga pinsan. Masaya kaming nagkaroon ng salo-salo, bigayan ng regalo, at mga palaro. Masayang masaya ako na kumpleto ang aming pamilya at nagkaroon ako ng pagkakataong makasama muli ang aking ama.
  • Nang makauwi na ang lahat, bakas pa rin sa aking mukha ang kagalakan at punong-puno ang aking puso ng pasasalamat dahil sa mga pagpapalang natanggap ko mula sa Diyos, mula sa aking mga kaibigan, at pamilya. Natulog akong masaya at punong-puno ng pagmamahal na nagmula sa mga taong malalapit saakin. 
تم إنشاء أكثر من 30 مليون من القصص المصورة
لا توجد تنزيلات ولا بطاقة ائتمان ولا حاجة إلى تسجيل الدخول للمحاولة!
Storyboard That العائلة