Isang gabi, dumating ang asawa ni Matilde at inabot ang paanyaya sa isang kasiyahang idaraos ng kagawaran.
Mahal, akala ko'y ikatutuwa mo ito?
Hindi natuwa si Matilde, kaya't binigay ni G. Loisel ang apat na raang prangko para ipambili niya ng bagong bistida.
Humiram si Matilde ng kwintas sa kaniyang kaibigang si Madame Forestier, at nangakong ibabalik matapos ang kasiyahan
Pumili ka lang!
Tunay na kaibigan ka talaga, Forestier!
Matapos makaraos ang kasiyahan, nawala ni Matild ang kwintas na hiniram nya kay Forestier.
Hinanap-hanap ng mag-asawa ang kwintas buong gabi at umabot kinaumagahan ngunit hindi ito natagpuan.
Naisipan nila na palitan nalang ang nawalang kwintas. Pinuntahan nila lahat ng maghihiyas upang makahanap ng kwintas na katulad ng orihinal at nang makahanap sila ito ay nagkakahalagang tatlumpu't anim na libo.
Hiniram ni G. Loisel ang labingwalong libong prangko na namana, at saka sila pumatol sa mga nagpapautang.
Nabayaran nila ang halaga ng kwintas. Binigay ito kay Forestier.
Naghirap ang mag-asawa dahil naubos ang kanilang pera sa kwintas, at dagdag pa ang mga utang na hindi pa nababayaran.
Sila'y nagtiis na mamuhay sa isang bahay-paupahan. Buwan-buwan ay binabayaran din nila ang mga utang. Nagpatuloy ang ganitong pamumuhay hanggang umabot ng sampung taon.
Isang araw, napadaan si Matilde sa dati niyang kaibigan. Nilabas nya din ang katotohanan na nawala niya ang kwintas. At ang sabi naman ni Forestier:
Matilde! Ang kwintas na ipinahiram ko ay imitasyon lang.
تم إنشاء أكثر من 40 مليون لوحة قصصية
لا توجد تنزيلات ولا بطاقة ائتمان ولا حاجة إلى تسجيل الدخول للمحاولة!