TILA IBON KUNG LUMIPAD:KUWENTO NG KALAKASAN NG ISANG BABAE
KUWENTO NI JOSEFINA ZAMORA
الانزلاق: 2
Mula sa isang mapagkumbabang barong-barong na gawa sa pawid at kawayan,
الانزلاق: 3
iniinda ni Narda ang paglalakad sa halos isang kilometrong bukid sa ilalim ng masungit na init ng araw. Kasisimula pa lamaNg ng araw ngunit ang enerhiya ni Narda ay halos nakalahati na.
الانزلاق: 4
Pagdating sa silid-aralan, tila ba siya'y nakakalulon ng mahiwagang bato...
الانزلاق: 5
nagpapalit ng anyo na mula sa matamlay na Ginang ay nagiging isang malakas at masigasig na tagapagsilbi. Hudyat na nga, si Narda ay si Darna na.
الانزلاق: 6
Si Darna ay nagtuturo sa mga paslit na nasa apat hanggag limang taong gulang kung papaano magbilang, magbasa, kumanta, at sumayaw.
الانزلاق: 7
"po"
"opo"
Ipinapaalala din niya ang tamang paggamit ng "po" at "opo", ang pagmamano at ang maayos na paglilinis sa sarili. Sa loob ng dalawang oras sa isang araw tuwing alas otso hanggang alas dyis ng umaga, si Darna ay isang guro. Konting salapi man ang kapalit ng kaniyang serbisyo ay hindi pa rin umaalma si Darna.
الانزلاق: 8
Matapos magturo ay tatawirin na naman ni Darna ang mahabang dipa ng bukid. Sa dulo nito, sa taas ng isang maliit na burol kung saan ang naroon ang tirahan ng bida, naghihintayang isang musmos na kung tawagin ay "hulog ng langit." Tawagin natin ang dalawang-taong batang paslit na si Ding.
الانزلاق: 9
Si Ding ang siyang nagbibigay lakas kay Darna. Hindi man tunay na anak ay itinuturing ni Darna na bilang kaniyang buhay. Si Ding ay hindi katulad ng isang ordinaryong bata. Iniinda man ni Ding ang sakit na cerebral palsy, hindi ito naging hadlang upang siya'y makapagbigay-saya sa kaniyang ina. Isang masiyahin at malambing na bata, si Ding ay madalas nahiga sa kaniyang kuna at naglalaro ng maliit na bola na bigay ng ina.
الانزلاق: 10
Halos tanghali na at oras na para magluto. Hindi pa man nakapagbihis ng kaniyang pambahay na damit ay didiretso na si Darna sa isa na namang gampanin nito-ang pagiging isang ina at asawa. Ngayong araw, bulanglang ang lulutuin ng ina. Ilang minuto na lamang at uuwi na ang kaniyang mahal na asawa kaya dapat bilisan na.
الانزلاق: 11
Pagsapit ng alas-dose, tanghalian na. Masayang nagkakaharap-harap sa maliit na mesa ang maliit na mag-anak at pinagsasaluhan ang kakaunting ginisang gulay.
الانزلاق: 12
Bukod sa pagiging guro, asawa at ina, si Darna ay isa ring Kalahi-CIDSS volunteer ng kaniyang komunidad. Nakaatang sa kaniya ang mabigat na gampanin ng pangunguna sa pagpapatayo ng irigasyong pinapangarap ng kaniyang komunidad.
الانزلاق: 13
Papeles dito, papeles doon, training dito, barangay assembly doon-ganiyan ang buhay-boluntir ng ating bida. Bukod dito, may mga araw din na nagbabahay-bahay si Darna upang sabihan ag kapwa-mamamayan nito na makilahok sa usapan ng barangay. Walang katapusang pagpapanik-panaog din sa project site ang ginagawa ni Darna upang siguraduhing maayos ang pagsasagawa.
الانزلاق: 14
Tuwing araw naman ng pagtatanim at anihan, isinisiksik ni Darna ang pagtatrabaho sa bukid sa pang-araw-araw na gawain. Batak sa gawain, si Darna lamang ang nakakaalam kung papaano niya napagkakasya ang 24 oras sa isang araw sa lahat ng trabahong kaniyang ginagawa.
الانزلاق: 15
Takip-silim na. Pauwi na ang asawa ni Darna habang siya ay katatapos lang magluto ng hapunan. Pagkatapos kumain ay naghanda na ang pamilya para matulog. Matapos ang isang mahabang araw, si Darna ay magpapahinga na sa tabi ng kaniyang asawa't anak.
الانزلاق: 16
Pagpikit ng kaniyang mga mata, nag-uumapaw na kasiyahan ang kaniyang nadarama dahil muli, maraming buhay na naman ang kaniyang nabago at nabigyan ng pag-asa.
الانزلاق: 17
Walang duda na si Darna ay isang simbolo ng kalakasan ng mga kababaihan. Nagtataglay ng bukal na puso at malakas na dedikasyon upang mapaunlad ang kaniyang pamayanan, si Darna ay tunay ngang isang yaman ng kanilang pamilya at ng kaniyang komunidad.
تم إنشاء أكثر من 40 مليون لوحة قصصية
لا توجد تنزيلات ولا بطاقة ائتمان ولا حاجة إلى تسجيل الدخول للمحاولة!