John, ang alam ko ay ikaw ang pinakamataas sa klase ninyo noong nakaraang baitang. May problema ba kung bakit sa unang pagsusulit niyo pa lang ay bagsak ka na?
O dahil hindi ka na sanay sa ganitong sitwasyon dahil sa pandemya? Sa mga gawain niyo rin, isa ka sa mgapinakamababa. May mali ba, anak? 
 Si-simula po noong nagkaroon ng pandemya… h-hindi ko na po sineryoso ang pag-aaral. H-hindi po totoo na magaling ako.P-pasensya na po, ma’am. Nagkaroon lang po ko ng matataas na grado dahil sa n-nakagawiang m-mangopya. Pasensya na po, ma’am.
Simula nang umamin si John, ginawa niya ang kanyang makakaya upang magkaroon ng kanais-nais na grado sa tamang paraan. Pinagalitan siya ng guro ngunit kalaunan, ang kanyang guro ay handang tumulong sa kanya sa kahit anong bagay upang hindi maligaw ang landas. 
Mahirap palitan ang isang nakagawian. Mahirap itong iwasan lalo na kung ito ay kailangan na kailangan. Tila ito ay tali na mahirap bitawan sa pag-aakalang ito ang maglalayo sa iyo mula sa kapahamakan. Ngunit ito ay isang sira-sirang magaspang na lubid na bibigyan ka ng mas malaking problema nang hindi inaasahan. Hindi tayo binigyan ng pagkakataon na makapag-aral para lang makakuha ng matataas na grado. Tayo ay nag-aaral upang tayo ay may matutunan na magagamit natin sa kahit anong aspeto ng pamumuhay sa mundo. Kaya naman, huwag kalilimutan na kahit ang kaisa-isang nakagawian ay makaaapekto sa iyong kakayahan at sa mundong may magandang patutunguhan. 
Nanatiling tahimik si John. Ngunit nang hindi niya matiis ang katahimikan, siya ay nagsalita. 
تم إنشاء أكثر من 40 مليون لوحة قصصية
لا توجد تنزيلات ولا بطاقة ائتمان ولا حاجة إلى تسجيل الدخول للمحاولة!