Sino ang pumunta sa silid ko at ginalaw ang mga pagsusulit sa mesa ko?
Bb. Arroyo, nakita ko po si Juli na pumasok sa silid mo po.
Hindi po totoo ang sinsabi ni Ann. Hindi po ako pumasok sa silid mo po.
Totoo po hindi po ako.
Kung hindi ninyo gusto harapin ang parusa, sabihin ninyo na ang katotohanan.
Sabihin ninyo na ang totoo. Kung walang aamin, tatawagan ko ang inyong mga magulang.
Sandali po!
Ako po ang pumasok sa silid ninyo po.
Jacob bakit ka pumasok sa silid ko?
Pumunta po ako sa inyong silid para palitan ang aking grado sa pagsusulit.
Pasensiya na po, Bb. Arroyo. Hindi ko na po uulitin ang pagbago ng grado ko.
Jacob, hindi mabuti ang iyong ginawa. Ikaw ay hindi naging matapat. Pinapatawad kita pero makakarating ito sa iyong mga magulang. Huwag mo nang uulitin ito.
Maraming salamat, Bb. Arroyo! Pangako hindi ko na po uulitin ito.
Mga bata, tandaan na ang pagiging matapat at pagsasabi ng totoo ay importanteng ugali na dapat ninyong gawin araw-araw.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!