Alamat ng Bulaklak ngMirasol (Sunflower)
Noong unang panahon, may masayang pamilyang nakatira sa Baryo Sol. Ang mag-asawang sina Aling Rosa at Mang Tomas ay may nagiisang anak na ang pangalan ay Mira. Mapagmahal na anak, matatag, puno ng pag-asa at masayahin syang bata.
Mira anak, maganda ang panahon ngayon, tiyak na marami tayong maaani na mga pananim .
Opo inay, nakakatuwa nga po at marami tayong mabebenta sa bayan.
Marami na tayong maiipon anak para sa pag-aaral mo.
Kahapon lang, ang ganda ng panahon, bakit biglang bumabagyo na?
Paano na ang mga pananim natin? Masisira na lahat.
Gaganda rin po ang panahon bukas, Inay, Itay. Wag po kayo magalala.
Nagkasakit si Aling Rosa sa sobrang pag-aalala sa kanilang pananim. Ilang araw na hindi tumitigil ang bagyo.
Paano na ang ating mga tanim? Walang tigil ang bagyo.
Mira anak, pasensya na at nagastos natin ang ipon natin sa pagpapagamot ko imbis sa pag-aaral mo.
Wag po kayong magalala inay at itay, gagawin ko po ang lahat para sa inyo. Mas maraming po kayong sakripisyo na ginawa para sakin.
Pinilit lumabas ni Mira para matingnan ang tanim nila. Gusto niya ayusin pa ito kahit masama ang panahon.
Naku! Ang mga tanim namin! Lalong malulungkot sina inay at itay kapag nakita nila eto.
Habang pilit na inaayos niya ang mga tanim, lalong lumakas ang hangin at siya ay tinangay ng napakalaking buhawi.
Inay! Itay! AHHHHHHHHHH!!!!!
Isang araw.....Isang linggo....Hanggang isang buwan na hind pa rin mahanap ni Aling Rosa at Mang Tomas si Mira.
Anak! Nasaan ka na!
Mira! Anak!
Isang taon ng lumipas, habang nagtatanim sina Aling Rosa at Mang Tomas, meron silang nakita na kakaibang halaman.
Bakit kaya hindi natin pangalanan na"Mira" ang bulaklak na ito?
Ano kaya ito?
Gawin natin kaya na "Mirasol" para maalala pa rin siya ng mga taga Baryo Sol. Magtanim pa tayo ng madami.
Napakaganda na bulaklak. Naaalala ko tuloy si Mira.
Nagtanim sila ng madaming Mirasol para laging nila maalala si Mira. Dito nagumpisa na dumami ang bulaklak ng Mirasol.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!