Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pina sa layaw at di gaanong marunong sa bahay.
Lalong mahirap kung tayo ay magugutom.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa at halos hindi makabangon at makagalaw.
Pinang, magluto ka ng ating kakainin. Subukan mo anak..
Pero Nay....
Dahil hindi sanay, panay tanong ni Pina kay Aling Rosa.
Hu!hu!hu! Mas maayos sana ang lahat kung si Inay ay walang sakit Mas masarap sana ang pagkain kung sya ang nagluluto.
Nay, nasaan po ang posporo?
Nay, saan po nakalagay ang sandok?
Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak at mas lalong naghina.
Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng mas maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Hanggang isang araw, may nakita na lamang na halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Isang prutas na higit na maraming mata. At biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina..
Pinang!.... huhuhu!Ang pinakamamahal kong anak!....
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!