May iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig ito kaya't naririndi na ang kanyang tenga. Pagkatapos mag hilamos ay agad ng kumilos si Impen para mag palit ng damit. Kahit antok pa ay kailangan na nyang lumakad para hindi tanghaliin at makasahod ng tubig.
Bayaan mo nga yung mga yon. wag mo nalang pansinin para di ka mapaaway.
Oh baka mapaaway ka na naman impen
Hindi ho
Tawanan ang mga naroroon.Si Ogor ang itinuturing na hari ng gripo na kanilang sinasahuran.Sa katagalan ay natanggap na ni Impen ang panunuksong iyon sapagkat ito ay totoo. Ang kanyang ama ay isang negrong sundalo na iniwan ang kanyang ina pagkapanganak pa lamang sa kanya.
Ang itim mo Impen
Sino pa, edi si Dikyam
Kapatid mo ba si kano? Sino ba talagang tatay mo?
Agad na itinabi ni Impen ang balde na nakatingin pa rin kay Ogor at itinapon nya ang konting laman nito. Saka bumulong sa sarili na uuwi na ako
Negro! wag ka nang mag bibilad doon ka na sa lamig
Gutom na ako Negro, ako muna
Kadarating mo lamang ogor
Maya maya pa ay nabuwal si Impen at tumama ang pisngi sa labi ng nabiyak na timba. Napasigaw ito sa sakit.Hinipo ni Impen ang pisngi, basa ito...mapula...dugo.
O-ogor... O-ogor...O-ogor...
Anong ibinubulong mo?
Si Ogor, simula noon ay inituring na syang kaaway. Bakit sya inaapi nito.Nanginginig sa galit ang katawan ni Impen.Nang muli syang sisipain ni Ogor at parang asong sinunggaban ni Impen ang kanang paa nito. Nawalan ng balanse si Ogor at silang dalawa ay nagpagulong gulong.Nang mapaibabaw si Impen ay walang tigil niyang pinagsusuntok si Ogor. Sinunod sunod nya ito na wari ay papatay ng tao. Papatayin nya si OgorSunod sunod na suntok ang pinakawalan ni Impen at si Ogor naman ay tila asong nag pupumilit umibabaw.
Ibinaba na ni Impen ang kanyang kamay.Napasuko nya si Ogor.Ilang sandali lamang ay dahan dahan nang tumayo si Impen habang nakatingin pa rin kay Ogor. Wasak ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa ng dugo ang kanyang mga labi.Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay paghanga.May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen.Sa matinding sikat ng araw, tila isang sugatang mandirigma si Impen.Nakatayo sa pinagwagihang larangan
I-Impen...su-suko nako...su-suko na..a-ako...
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!