Søg

Unknown Story

Kopier dette storyboard
Unknown Story

Storyboard Tekst

  • Kabanata 12:buod
  • Kabanata 13:buod
  • Kabanata 14:buod
  • Nagustuhan ni Don Juan ang lugar na iyon dahil sa mapayapang kapiligiran. Nahanap din nina Don Pedro’t Don Diego si Don Juan at kinausap siya. Tinanong siya kung gusto niya pa bumalik sa Kaharian ng Berbanya. Kung ayaw niya ay doon na lang sa, Kabundukan ng Armenya, sila maninirahan. Pumayag si Don Juan at doon na sila ay nagsaya. Araw-araw sila nangingisda at humhuli ng ibon. Bawat lingo naman ay nagsasalo-salu sila. Naging Masaya ang kanilang buhay doon.
  • Kabanata 15:buod
  • Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang balon. Ang balon na ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agad nanagtaka si Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga kapatid niyang bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang tumagumpay. Pagdating niya sa baba ay may nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka.
  • Kabanata 16:buod
  • Nang lumapit siya sa palasyo, may nakita siyang babae. Ang pangalan ay Donya Juana. Nahulog kaagad ang kalooban ni Don Juan kay Donya Juana at pinupuri siya sa kagandahan niya. Natatakot si Donya Juana kaya pinahintulutan siya na wag siyang iwan. Nang dumating ang higante, hinamon ito ni Don Juan sa isang laban. Nagwagi si Don Juan at papaalis na sila. Subalit biglang natandaan ni Donya Juana ang kanyang kapatid na si Donya Leonora kaya pinuntahan ito ni Don Juan.
  • Kabanata 17:buod
  • Pumasok si Don Juan sa palasyona gawa sa ginto’t plaka. Nakita niya si Donya Leonora at muling napaibig. Nangtiningan muna sila at biglang tinanong ni Donya Leonora kung bakit nandoon si Don Juan. Dumating ang serpyenteng may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Muli, naglaban si Don Juan at ang serpyente. Sa bawat pinuputol na ulo ni Don Juan ay tumutubo ulit ito. Inabot ni Donya Leonora ang basalmo na ilalagay sa ulo ng serpyente sa bawat putol. Hindi na rin tumubo ang ulo ng ahas at nakatakas na sila Don Juan at si Donya Leonora.
  • Pagkataas ni Don Juan at Donya Leonora ng balon, sila ay nakukuwentuhan.Dahil dito, naingit si Don Pedro sa kanilang pagmahal. Nagustuhan din niya si Donya Leonora, samantalang ayaw ni Leonora si Don Pedro. Sinabi bigla ni Donya Leonora na naiwan niya ang kanyang singsing sa ilalim ng balon tapos sinabi ni Don Juan na siya ang bababa ng balon at kukunin ulit. Tumanggi si Donya Leonora na iiwan nalang pero sabi ni Don Juan na bababa na siya. Habang bumababa si Don Juan, Pinutol ni Don Pedro ang tali at iniwan nila si Don Juan. Inilabas ni Donya Leonora ang kanyang lobo at ito ang nagtulong kay Don Juan
  • Ipinahanap ni Don Fernando ang nawawala niyang bunso na si Don Juan. Itinanong niya si Don Pedro at Diego kung anong nahanap nila. Lahat daw ay pinuntahan nila at wala naman sila nakita kundi ang dalawang prinsesa.Hiningi din ni Don Pedro na kasalin siya ni Donya Leonora. Ayaw ni Donya Leonora kasi mahal pa rin niya si Don Juan.Samantalang si Don Diego and Donya Juana ay ikakasal na.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!
Storyboard That Familie