Søg

Unknown Story

Kopier dette storyboard
Unknown Story

Storyboard Tekst

  • Marahang kumilos ang lumang araro sa gitna ng bukid, Miguel. Hindi alintana ngkanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ngkanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.
  • Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
  • Sana nga anak, harinawa nga.
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
  • Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno.
  • Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
  • Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinundan ng iba pa. Kitang-kita niya ang kanyang kuya Lito na tila ibong nabalian ng mga bagwis matapos bistayinng pulbura ay agaw hiningang bumubulusok.
  • Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito.
  • Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit,umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa,tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!
Storyboard That Familie