Hello po! Ako po pala si Mellicent P. Sto. Domingo Mellie nalang po, 20 years old at tubong Bayombong, Nueva Vizcaya . Ang birthday ko po ay sa darating na October 9 kaya baka naman may regalo kayo dyan char..
Hobby yern!?
Ahhh taga Vizcaya pala, ikaw ba ay Ilokano? Ano nga pala hobbies mo?
Opo , ako po ay isang Ilokana. Ang hobbies ko naman po ay kumain, magalaga ng pamangkin, at magalaga din po ng rabbits.
JOLLIBEE ERA, BIDA ANG SAYA
Ohh share something interesting naman about sa encounter mo sa school?
Naalala ko po na pagdating po sa roleplays and aktingan di ko aayawan yan kahit anong roles pa HAHAHA
Sa unang araw ng eskwela tiyak na magaganap nanaman ang walang katapusang pagpapakilala. Kaya halina't kilalanin si Mellie at ang kanyang bonggang hanash sa kanyang life... GUSTO MO IYON? (*sabihin niyo oo pls*)...
Everyday Sunshine
Dumako naman tayo sa kung ano ang favorite mong color? Nagbabago ba habang tumatanda hehehe
Ang favorite color ko po ay nakadepende sa aking mood that day lalo na po kung ang paguusapan ay kung ano po ang susuotin ehhe..
Una, mahilig ako kumain pero mabilis ako maumay huhu. Pangalawa, titang ina ang tawag sa akin ng mga friends ko dahil mahilig ako sa bata at mayroon din akong inaalagang pamangkin sa probinsya. Panghuli, marami kaming alagang rabbits sa Nueva Vizcaya.
Spill the Coke Mars
Dumako naman tayo sa studies, ano ang iyong ginagawa pag gumagawa ng acads. Mahilig ka ba sa kape ?
Hindi ko po hilig ang kape pero kiala po ako bilang si Ms. Coke at Ms. Chika HAHAH
Game na game ako sa mga roleplays sa school kahit sampalan pa yan (masakit tho huhuhu). Natutuwa rin ako mag portray ng different roles pero ang favorite ko ay si Aleng Marites at ang kanyang chismis Chronicles... Kidding aside, ayoko sa fake news in real life sksks
Metamorphosis
Mellie, may gusto ka pa bang ibahagi na karanasan na kapupulutan ng aral?
Ahmm meron po , gusto ko pong ibahagi na ako po ay biktima ng bullying noong ako ay nasa elementarya at high school kaya po mababa ang aking self-esteem ngunit nagbago po ito at mas minamahal ko na po ang aking sarili sa kasalukuyan.
Karamihan sa aking mga kaibigan ang nagaakalang yellow ang aking favorite color dahil sa aking happy personality pero sa katunayan ang favorite color ko ay nakadepende sa aking mood hehe....
Naniniwala ako sa kasabihang Chika is the new caffeine. Hindi ako umiinom ng kape kaya ang pampagising ko ay coke at chika with moderation naman hehehe. Dagdag pa rito, chika din ang isa sa love language ko dahil kapag nag chika/share na ako sa isang tao kaibigan na ang turing ko.
Naging biktima ako ng bullying noong elementary at high school kaya introvert person ako and mababa ang self-esteem. Nagbago yun noong ako ay nasa Senior High School at College dahil naramdaman ko na tanggap ako ng mga tao sa paligid ko kaya unti-unting naibalik ang aking self-esteem at confidence sa aking sarili. Little advice, You are greater and stronger than your fears queen!!
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!