Ayan, siguro ay ayos na ito! Hindi na maikli at may manggas na rin!
Ilang sandali ang lumipas, nakahanap na si Claire ng damit at kaniya nang isinuot ito.
Oh anak, iba ata 'yan sa karaniwan mong suot ah. Bagay na bagay talaga sa iyo ang kahit ano anak.
S-salamat, itay. Sige po, aalis na po ako.
Nang lumabas siya ng bahay, nagsimula nanaman ang masasamang bulungan tungkol sa kaniya na tuluyan nang nagpasama ng kaniyang loob.
Tignan mo ang kaniyang suot! Mukha siyang manang dahil sa sobrang haba.
Balot na balot, para na siyang lumpia.
Eh kasi itay, kahit anong isuot ko, hinuhusgahan ako ng mga tao kaya hindi na lamang ako lalabas.
Ano ang nangyari anak? Bakit ka bumalik ulit?
Naku anak, hindi naman pwede na dito ka na lamang sa bahay habang buhay.
Eh itay, tuwing lalabas ako suot ang gusto kong kasuotan, nasasabihan ako ng masama eh.
Kinausap si Claire ng kaniyang ama na si Nassreddin tungkol sa nangyari. Sakto ay kaarawan na pala ng kaniyang ama bukas, kaya nagkaroon ito ng isang kahilingan para sa kaniyang anak. Nagtataka si Claire sa kaniyang isinagot.
Alam mo anak. kaarawan ko na bukas. Ang hiling ko ay mawalan ka ng pandinig anak.
Para hindi ka na malungkot anak.
Ha? Eh bakit naman po, Itay?
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!