Kabanata 6: Si Basilio

Opret et Storyboard
Kopier dette storyboard
Kabanata 6: Si Basilio
Storyboard That

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Storyboard Tekst

  • Nay, paglaki ko gusto kong maging piloto para ako naman ang titingalain ng mga tao at hindi na nila ako mamaliitin.
  • Si Buboy at kanyang ina kasama si Browny, ang aso nila ay naninirahan sa ilalim ng tulay. Labis ang kahirapan na nararanasan ng mag-ina, dinadaan na lang ng mag-ina sa ngiti ang tinatahak nilang kahirapan na tila ba wala ng katapusan. Ngunit kahit ganito ang kanilang pamumuhay, si Buboy ay nakakapag-aral sa paaralan. 
  • Talaga anak?...Napakabait mo talaga Buboy, buti na lang hindi ka nagmana sa tatay mong basagolero... Sige anak, maghahanap buhay muna si inay ha.
  • Habang nangangalakal ang kanyang ina, napaisip ito tungkol sa mga salitang binitiwan ni Buboy.
  •  "hindi na nila AKO mamaliitin" Alam kong labis ang aming paghihirap ngunit mabuti naman kaming tao, may nangungutya kaya sa aking anak? Sino at saan ?
  • Kinabukasan, naghanda na si Buboy at pumasok sa paaralan habang nangangamba. Lingid sa kaalaman ng kanyang ina, si Buboy ay nakararanas ng diskriminasyon sa paaralan dahil sa antas ng pamumuhay nila.
  • Huwag kang matakot, kaya ko ito.
  • Narito na pala ang "batang kanal."
  • HAHA...ang batang kanal...
  • Aba sumasagot ka na ah. Ano magsusumbong ka ha?
  • Ang baho mo, amoy kanal! Hindi ka nababagay dito. Itatak mo yan sa kukote mo.
  • Kung ako yan, uupakan ko na yan. Sapakin mo na Deib.
  • Bakit ayaw ninyo ako tantanan? Ano bang napapala ninyo kapag ginagawa ninyo ito sa akin? Kayo lang ba may karapatang mag-aral?
  • Itigil ninyo yan! 
  • Patay na, nahuli na tayo.
  • Nang aakmang susuntukin si Buboy, saktong dumating ang kanilang guro. Sa unang pagkakataon, may guro na ring nakakita sa ginagawa nila Deib kay Buboy. Ang magtotropa ay nagturuuan kung sino ang sisisihin sa pangyayari.
  • Pinatawag ang nanay ni Buboy sa paaralan upang kausapin, at dito inilahad ng punong guro ang naging karanasan ni Buboy sa kanyang mga kamag-aral. Labis itong ikinagulat ng kanyang ina na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Humingi ng paumanhin ang punong guro sa nanay ni Buboy dahil sa mga pangyayari hindi dapat nangyari. Si Deib at kanyang mga kaibigan ay pinatawan ng mabigat na parusa dahil sa mga ginawa nilang aksyon kay Buboy.
Over 30 millioner Storyboards oprettet