Søg

Ako ay Ata-Manobo, Mula noon hanggang ngayon

Kopier dette storyboard
Ako ay Ata-Manobo, Mula noon hanggang ngayon

Storyboard Tekst

  • Unang Tagpo:Ang aming Tribo ay tahimik nang bigla itong gambalain. Napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain minana pa sa aming mga ninuno kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala.Isa sa mga ama ko ang tumutol, ngunit hindi nagtapumpay. Nagkasakit din ang aking ina dahil sa nangyari at pareho sila ng ama ko na namatay.Ako na lamang mag-isa kasama ang isang malilit na bote na may lamang lupain namin.
  • Pangalawang Tagpo:Nabili na ni Gob ang kanilang lupain at papatayuan ito ng isang Resort.We are giving our indigenous people the opportunity to learn self development, panimula ng isang nakakurbatang lalake sa entablado, through the efforts of our tourism department; they could live with the global trends and share the beauty of their traditions and ancestral essence.Nagpalakpakanang lahat. Ano daw? di ko alam, pumalakpak na lamang tayo -iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
  • Pangatlong Tagpo:Nakilalako si Ms. Winters. You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a philosopher. At ngumiti siya. Sumama ako sa kaniya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa Harvard.
  • Pang-apat na Tagpo:Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruanniya akong magkaroon ng sariling kultura.
  • Panlimang Tagpo:Bibisita kami sa Pilipinas sapagkat ako'y inanyayahan upang parangalan sa aming lugar.At nang ako ay nasa entablado, pinakita ko ang bote at sinabi sa kanila na naglalaman ng ito ng spiritu natin, ng mga Ata-Manobo. At sinabi sa kanila, ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin. Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di nakalimot, di makalilimot. Ang pag-paparangal na ito ay isang insulto.Nanginginigang aking mga laman habang nakatayo sa gitna ng mga tao. At bigla ang lahat ay naging blangko.
  • Pang-anim na Tagpo:Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ngdalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isangmahal sa buhay.Paalam.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!
Storyboard That Familie