Ginoo, maawa ka, kung may baon kang dala ako po ay limusan na. Parang haba na ng Diyos magdalita sa may-luno, kung sa sakit ko'y matubos ako nama'y maglilinkod.
Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay.
Huwag maging di paggalang ano po ang inyong pakay, ako po ay pagtaata't baka kayo'y matulungan?
Kung gayon po ay salamat, hari na ngang maging dapat, ang dito po'y aking hanap sa ama ko ay panlunas. Ama ko po'y nakaratay sa malubhang karamdaman Ibong Adarna nga lamang ang mabisaing kagamutan. Bukoad dito'y may isa pa, ngayon po'y tatlong taon na, ang kapatid kong dalawa'y nawawala't di makita
Sa aba ko, O, Don Juan, malaki pang kahirapan ang inyong pagdaraanan. Kaya, ngayon ay bilin ko ay itanim sa puso mo; mag-ingat ka nang totoo at di ka maging bato. Sa pook na natatanaw ay may kahoy kang daratnan, rikit ay di ano lamang kawili- wiling tignan.
Doo'y huwag kang titigil at sa ganda'y mahumaling, sapagkat ang mararating ang buhay mo ay magmaliw. Sa ibaba'y tumanaw ka't may bahay na makikita, ang naroroong tao'y siyang magtuturo sa Adarna.
Maginoo, bakit po ba, iya'y isasauli mo pa gayong naibigay ko na? Ugali ko pagkabata na maglimos sa kawawa, ang naipagkawanggawa bawiin pa'y di magawa. 
Itong limos mong tinapay dalhin mo na, O Don Juan, nang mabaon mo sa daa't malayo ang paroroonan
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!