Søg

PAMANA-COTINGJO2

Kopier dette storyboard
PAMANA-COTINGJO2

Storyboard Tekst

  • Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng#160;iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng#160;tadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay ang#160;natitirang kapirasong lupang ito.#160;Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao ay#160;nabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkat#160;ito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag ang#160;kapaligiran. Kasabay ng panghihinang yaon ay may ibinulong pa ang kanyang amabago malagutan ng hininga.
  • Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ng#160;kanilang kubo na kinaroroonan ng lumang araro. Lumapit siya at hinawakan ito,#160;papahigpit ng papahigpit. Nagtatagis ang kanyang mga bagang. Ang nasasaisip niya'y#160;darating din ang panahong siya ay lalaki at gagamitin ang ararong yaon. Sasapit din#160;ang panahong siya'y magiging isang ama. Pumailanlang sa kanyang balintataw ang#160;mga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!
Storyboard That Familie