Sa bahaging iyon ng pag-alala ay nabuksan ang nag-aalimpuyo niyang damdamin. Lalong humigpit ang tangan niya sa isang supot ng bigas at ilang gamot. Sa kuyom na palad ay halos mapunit ang balutan ng magsisilbing lugaw na pantawid gutom nilang mag-ama.
Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahanan at makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig siya ng daing na para bang umuugit sakailaliman ng kanyang puso.
"Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay ang natitirang kapirasong lupang ito."
"Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig at nagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupang nakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta at kung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
"Huwag kayong lalabas, ako ang bahala”
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas."
Sa bawat pagpitlag ng katawang naghihingalo ay siya namang pagpatak ng luhang pumapaimbabaw sa kanyang mga mata. May kung anong damdaming nag-uumalpas sa kanyang dibdib subalit hindi maipaliwanag ng kanyang sarili. Hindi niya maintindihan. Ang alam niya ay may apoy na naglalatang sa kanyang isipan..
Over 30 millioner Storyboards oprettet
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!