Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay nabumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya saoras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyangkalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw.
Hindi alintana ngkanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ngkanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.
Nakita niya ang pananalim ng mata ng kanyang kuya. Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo.
Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing.
Walang pakundangan niyang itinulak ang pinto. Naudlotsiya sa kanyang nakita, ang kahabag-habag niyang ama. Halos panawan na ito ngulirat, nanginginig ang buong katawan at pabagal nang pabagal ang paghinga. Lumapitsiya ng bahagya, kasabay noon ang pagkabuo ng kimpal na luha sa kanyang mga mataat dagling umagos sa magkabilang pisngi.
Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit,umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa,tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
Over 40 millioner storyboards skabt
Ingen Downloads, Intet Kreditkort og Intet Login Nødvendigt for at Prøve!