Sa Tribong Bayanihan, nakatira ang isang masigasig na dalaga na si Gina. Siya ay isang Katutubong Ifugao na nakatira sa tuktok ng bundok.
Punta na po ako inang at itang.
Mag-ingat ka anak. Nawa'y ikay gabayan ng Diyos.
Magandang umaga sa inyong lahat!! Punta na po ako sa aming paaralan!
Paalam Gina! Mag-ingat ka!
Ang talino naman ng batang yan, nag-aaral yan ngayon sa lungsod
Magandang araw, Gina!
YAY andito na si Gina!
Gina, dito ka umupo!
Magandang umaga sa inyo!!
Excited na ako sa mangyayari sa araw na ito. Makakahalubilo na naman ako ng ibang tao at may matutunan na naman akong bago
Di ko inakala magiging ganito ka saya ang pagpunta ng paaralan dahil...
...parang kailan lang wala pa akong kaibigan dito.
Sino ba yan? Ah wala akong pake
Anong klaseng kasuotan yan? Ang jejemon naman
Luh, bagong student. Ang kakaiba niya... parang di siya nababagay dito.
Ang swerte ko sa inyo aking mga kaibigan. Salamat at nakilala ko kayo!
UWIAN / DISMISSAL
Kami ang swerte sa iyo. Ang sama namin sayo noong una, ngunit pinagtiyagaan mo kami. Pinatunayan mong mali ang aming panghuhusga. Noong palagi ka naming nakausap at tuluyang nakilala ka namin,napag-alaman naming na mabuti ka palang tao.
Kami ang nagpapasalamat na nakilala ka namin
Marami kaming natutunan mula sa iyo. Dahil sayo, natutunan naming humanga sa kultura ng mga Ifugao. Higit sa lahat, tinuruan mo kami na wag humusga sa panlabas na kaanyuan.
Patawarin mo kami sa paghusga sa iyo noong una. Wala kaming karapatan maging kaibigan mo
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!