Suche

Ang alamat ng malupit na hari

Kopieren Sie dieses Storyboard
Ang alamat ng malupit na hari

Storyboard-Text

  • Noong unang panahon maraming taong naghirap dahil sa pamumuno ni Haring On-on. Isang araw dahil hindi na nakayanan ng mga tao ang kanilang dinadanas sila ay nagsamasama upang sugudin si haring On-on sa kahariang Elin Egaliive. Nang malaman ito ng hari siya ay nagalit. Dahil doon inutusan niya ang kaniyang kawal na lahat ng sumugod ay patayin.
  • Nalaman ng diyos ang nangyari sa kaharian sa tulong ng mga hayop. Ng matuklasan niya ito siya ay lubusang nagalit. Isang araw pinuntahan niya ang hari at kinausap niya ito. Nagkausap ang hari at ang diyos ng kagubatan.
  • Ang hari ay tumawa lamang at hindi inintindi ang babala ng diyos. Makalipas ng ilang araw ang hari ay nakaisip ng hindi maganda. Inutusan niya ang kanyang mga kawal na patayin ang mga hayop sa kagubatan. Bago mangyari ang lahat pinatawag muna ng hari and diyos upang magusap at nang makarating na ang diyos sa kaharian doon na isinagawa ang pagpatay sa mga hayop.
  • Nang bumalik na ang diyos sa kagubatan doon niya na nakita ang mga hayop na walang buhay, siya ay nagalit ng lubusan at bumalik sa kahariang Elin Egallive. Sumigaw ng malakas ang diyos ang langit ay dumilin at nagsimulang umulan.
  • Nagsalita ang diyos ng malakas at nakakatakot na boses at sinabihan ang hari na siya ay paparusahan. Tinaas ng diyos ang kaniyang kamay na parabang may tatawagin. At ayun may kidlat na bumaba at pinatama sa hari, pagkatapos noon biglang nawala ang diyos, tumigil ang ulan at lumiwanaag ang langit.
  • At sa pagkawala ng makapal na usok nagsimulang hanapin ng mga kawal ang hari ngunit hindi nila ito makita. Pero sa huling puwestong nakita ang hari merong punong malaking nakatayo.
Über 30 Millionen erstellte Storyboards
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!
Storyboard That Familie