Magandang Araw Grade-11 STEM GAUSS! Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng isang gawain na kung saan ay masusubok at malilinang pa natin ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng isang debate.
Ngayon, dadako na tayo sa ating gawain. Mauuna si Nathan at susunod naman sa kanya ay si Mika upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman o opinyon tungkol sa paksang Dapat pa bang ipagpatuloy ang edukasyon sa taong panuruan 2022-2023 o mas mabuting ipagpaliban muna ito hanggang sa bumuti na ang kalagayan ng buong bansa laban sa COVID-19 VIRUS?
Para sa akin, dapat po na ipagpatuloy ito dahil naniniwala akong hindi lamang sa harapang pagkaklase matututo ang mga mag-aaral. May mga alternatibong paraan upang makapag-aral at matuto ang mga mag-aaral sa iba't ibang asignatura tulad na lamang ng iba't ibang mga google sites kung saan naglalaman ng mga araling maaring matalakay at matutunan ng mga mag-aaral.
...Hindi naman lahat mayroong cellphone at magandang internet connection...
Okay, salamat Nathan. Ngayon dumako naman tayo sa kabilang panig. Ating pakinggan ang saloobin o sariling opinyon ni Mika tungkol sa ating tinatalakay na paksa.
Para sa akin, hindi ako sang-ayon sa opinyon ni Nathan. Para sa akin dapat munang ipagpaliban
Hindi ako sang-ayon sa opinyon ni Nathan. Para sa akin, dapat munang ipagpaliban ito. Oo sabihin na nating maraming mga websites ang maaring mabuksan na naglalaman ng mga araling tinatalakay ng mga mag-aaral, ngunit lagi nating tatandaan at isaalang-alang na hindi lahat ng mga mag-aaral ay may kakayahang kumonek sa internet o mayroong magandang internet koneksyon. Dagdag pa nito ay ang malaking tyansa na sa halip na silay mag-aaral ng maayos at makapag-focus sa mga aralin ay nadidistrak sila.
Sige, sabihin na nating disiplina na ng mag-aaral ang magdidikta kung matututo ba sya o hindi sa online class ngunit nais ko lamang sabihin na huwag na nating ipagpilitan ang isang bagay na hindi naman makakaya (afford) ng lahat.
Tunay ngang maraming distraksyon ang mundo ng internet. Pero sapat na ba itong rason upang ipagpaliban ang edukasyon ngayong taong panuruan 2022-2023? Dahil sa palagay ko ay hindi. Nasa sa mag-aaral na iyon kung pipiliin nyang mag-aral nang mabuti kahit na hindi karaniwang pamamaraan ng pag-aaral ito o pipiliin nyang maglaro na lamang ng maglaro at mag-social media.
GRADE 11 STEMGAUSS
KAHALAGAHAN NG WIKA
Magaling! Nathan at Mika, Lubha ninyo akong pinahanga sa inyong kahusayan sa pagdedebate ngayong araw na ito. ARKHEE, maaari mo bang ilahad sa klase ang iyong saloobin tungkol sa halaga ng paggamit ng wika sa pamamagitan ng debateng ginawa nina Mika at Nathan?
Mahusay Arkhee! Dahil mahusay kayo ngayon, wala akong ipagagawang takdang-aralin sa buong klase. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam.
Masasbi ko pong napakahalaga ng paggamit ng wika sa ating pang-araw-araw na buhay. Kung ibabase natin ito sa katatapos lamang na debate ay nagamit nina Mika at Nathan ang wika nang maayos at epekto upang ilahad ang lahat ng kani-kanilang punto o saloobin hinggil sa kung dapat pa bang ipagpatuloy o ipagpaliban ang taong panuruang 2022-2023. Malinaw kong naunawaan ang bawat puntong ipinaglaban.
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!