Suche

Comics_Monsanto

Kopieren Sie dieses Storyboard
Comics_Monsanto

Storyboard-Text

  • Isang araw nag-aayos si Bella sa kaniyang lamesa upang mag bidyo ng make-up tutorial. Kinuha na niya ang kaniyang buong lakas dahil nakapagisip-isip na siya na gagawin na niya ang kaniyang pangarap na maging isang youtuber. Hilig niya ang mga kolorete kaya naisipan niya na mag post ng bidyo sa youtube tungkol sa paglagay ng kolorete sa mukha. Grabe ang tuwa niya dahil unang post niya ito. Dumami ang mga nakakita sa bidyo niya na nagpatuwa naman sakanya.
  • "Bidyo"
  • Ayesha Monsanto
  • Nabigla si Bella sa kaniyang mga nakita, at dahil unang post niya ito ay labis ang pagkalungkot niya na naging dahil ng kaniyang pag-iyak. Iyak ng iyak si Bella hanggang sa hindi na siya makakain at makapag aral ng maayos.
  • Hala! Grabe ang dami nakakita sa bidyo ko!
  • Sa sobrang tuwa ay napatingin siya sa comment section. Ngunit ang kaniyang tuwa ay napalitan ng lungkot dahil sa mga nakikita niyang masasamang salita na ibinabato sakanya ng mga manonood niya.
  • 
  •  “Grabe make-up ba talaga yan, parang ang panget naman HAHAHHAHA”, “Mas maganda pa paa ko sa mukha mo eh”
  •  Nung sumunod na araw lumabas si Bella para bumili ng almusal. May tambay na nakapansin sakanya
  • “ Uy diba ikaw yung nag make-up na parang hindi naman mukhang nag make-up HAHAHHSHAHHAA”
  • Biglang hindi naging komportable si Bella at mabilis na umuwi sa kanilang bahay. Bumalik ang nararamdamng sakit sa dibdib mula sa mga masasamang comments sakanya ng kaniyang bashers. Mas lumala ang lagay ni Bella at hindi na naging maayos ang kaniyang mental health. 
  • Hanggang sa may nag viral na reaction video sa video ni Bella. Isa itong sikat na beauty vlogger na nagngangalang Crystal. Batay sa video niya ay nagustuhan niya ang paggamit ng kolorete ni Bella sa mukha. 
  • “Grabe Bella! Ang galing mo sa paglagay ng kolorete at gustong gusto ko yung mga creativeness mo sa paglagay ng kolorete!”
  • matapos niyang mag react ay may mensahe pa siya kay Bella.
  • “Hi Bella! Alam ko na naaapektuhan ka sa mga bashers mo at masasamang salita na ibinabato nila sayo dahil naranasan at nararanasan ko rin yan hanggang ngayon pero huwag mo ito hayaan na pababain ang iyong confidence! Gawin mo ang gusto mo at tandaan mo na marami kami dito na sumusuporta sayo. Love you Bella!”
  • Kaya simula noon ay palagi na nagpopost si Bella ng mga make-up na bidyo. Hindi na siya nagpapadaig sa mga bashers niya. Tinatawanan at ginagawa niya nalang ito na inspirasyon upang magpatuloy sa kaniyang pangarap. Natutunan ni Bella na wala naman siya mapapala sa pagbabasa ng mga masasamang comments tungkol sa video na bagkusa ay baka makasira pa ito sa kaniyang buhay. Hindi kasi alam ng ibang tao ang mga nagiging epekto ng mga masasamang salita sa isang tao tulad ni Bella.
  • sabi ni Crystal.
  • Ang pagtatapos
Über 30 Millionen erstellte Storyboards
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!
Storyboard That Familie