"Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinundan ng iba pa. Kitang-kita niya ang kanyang kuya Lito na tila ibong nabalian ng mga bagwis matapos bistayin ng pulbura ay agaw hiningang bumubulusok, at sa murang edad nakaranas siya ng matinding galit at pagkaunawa sa mga ganid na tao at walang awang manghamak ng kapwa.
Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahananat makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo.
nakarinig siya ng daing na para bang umuugit sakailaliman ng kanyang puso. Walang pakundangan niyang itinulak ang pinto.
"Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayon g salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito."
Bumalik sa kaniyang balintataw ang payo ng ama. tumingla siya sa langit at umusal ng dasal.At humakbang ang kaniyang mga paa tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
"Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!