Suche

Unknown Story

Kopieren Sie dieses Storyboard
Unknown Story

Storyboard-Text

  • ROBBY
  • Si Robby ay isang problemadong binatilyo. Kadalasan, wala ang kanyang mga magulang para alagaan siya dahil sa maraming dahilan. Kaya, nakahanap siya ng dalawang teenager na katulad niya, pero medyo mas matanda, na makakasama niya. Pero hindi sila mga tao na dapat magkasama at alam ito ni Robby. Sumasama lang siya sa kanila dahil siya ay “emotionally lost” at ang dalawang lalaki lang ang “physically present” sa buhay niya.
  •  Isang araw, ang tatlong lalaki ay nakatagpo ng isang sikat na kumpanya na nag dealership ng mga kotse na kumukuha ng mga bagong empleyado.
  • Hindi ko gusto ang ideya na'to... Ngunit kung kailangan ko para manatili sa kanila, ayos lang.
  • Uy, Robby, magapply ka na! Nang makuha mo yung trabaho, pwede ka magnakaw ng isang kotse para sa amin.
  • Sige nga...
  • Larusso Auto
  • LaRusso Auto
  • NEW EMPLOYEES!HIRING HIGH SCHOOL STUENTS FOR INTERNSHIPS!
  • Dumating na ang araw ng kanyang interview at siya’y nahanda. Si Robby ay nagpraktis mag-isa sa kanyang sasabihin sa interview. Sa kailaliman niya, naeexcite siyang pumunta sa interview na ito dahil naisip niya ng isang bagong kapaligiran ay makakabuti sa kanya. Kaya binalak niyang maging totoo sa may-ari ng kumpanya, si Mr. LaRusso. Matapat niyang sasabihin sa kanya ang tungkol sa kanyang sarili, isang maikling paglalarawan ng kanyang buhay, at kung bakit kailangan niya ang trabaho. Gayunpaman, hindi niya binalak na sabihin ang gustong gawin ng kanyang mga magkakasama.
  • Sa pagtatapos ng interview, natanggap si Robby. Si Mr. LaRusso ay palakaibigan, mahabagin, at nagulat si Robby, na siya rin ay maunawain. Ipinaliwanag niya na siya dati ay katulad ni Robby ngayon, isang taong nagsisikap na makahanap ng isang malusog na kapaligiran. Kaya naman dahil sa magkahawig ang kanilang mga nakaraan at sa paano niyang gustong malaman ni Robby ang pakiramdam ng pagtanggap, binigyan niya siya ng trabaho.
  • Chance ko na 'to... Gagawin ko nga ngayon para tapos na.
  • Lumipas ang ilang araw at sa bawat araw na nagtatrabaho doon si Robby, lumalago ang pagkakaibigan niya kay Mr. LaRusso. Pati na rin ang kanyang pangamba sa pagsasagawa ng planong naisip ng kanyang mga kasama. Bagama't iba ang araw na ito dahil hiniling sa kanya ni Mr. LaRusso na linisin ang mga sasakyan at nakita ito ni Robby bilang isang pagkakataon na gawin ang isang bagay na alam niyang pagsisisihan niya.
  • Sandali lang po, Mr. LaRusso! Maari ko bang pahiram ang susi para sa kotse sa bandang likod? Lilinisin ko din po yung loob ng sasakyan kasi mukhang madumi talaga nung tinignan ko kanina.
  • Okay yan, Robby! Gawin mo yan sa lahat ng sasakyan dito at bumalik ka ulit bukas –
  • Ah sige, salamat ha? Yung pula diba? Sige babalik ako sa'yo.
  • Ninakaw na ni Robby yung kotse pero tinatabunan siya ng kanyang mga iniisip niya niya kung sulit ba talaga ito. Lalo na sa katotohanang ginagawa niya ito para sa mga taong alam niyang masama.
  • Masama talaga ang pakiramdam ko ngayon... Hindi nga ‘to talagang sulit na sulit. Ginagawa ko nga lang ‘to para sa mga taong ayaw kong kasama! Kung sinabi ko na lang kay Mr. LaRusso kung ano ang unang nagtulak sa akin na magtrabaho doon at hindi humingi ng susi para magnakaw. Hindi ko lang namalayan kung gaano ko kagustong manatili doon hanggang sa matapos na siguro ang trabaho ko... Tama na ang pagtatampo, ibabalik ko ang sasakyan bukas at humingi ng pang-unawa kay Mr. LaRusso, kahit na ito ay marahil sa huling pagkakataon.
  • Kinabukasan, ibinalik ni Robby ang kotse at ang susi, at sinabi kay Mr. LaRusso ang katotohanan.
  • Mr. LaRusso, hindi po ako naging ganap na tapat sa iyo. Kahit na gusto ko talagang magtrabaho dito at nagpapasalamat po ako sa iyong patnubay, ang dahilan kung bakit ako nag-apply para sa trabaho ay dahil napilitan ako. Mayroong dalawang lalaking ito, ang tanging mga taong gustong makasama sa akin, na pinilit akong makuha ang trabahong ito upang magnakaw ako ng kotse para sa kanila. Pero sa interview natin noon, ay talagang tapat ako nung sinabi ko po sa’yo tungkol sa aking buhay at nagustuhan ko rin ang trabahong ito upang maging sa ibang kapaligiran. Hindi ko inaasahan na patatawarin niyo po ako o hahayaan akong patuloy na magtrabaho para sa’yo kasi madami akong ginawang mali. Nagnakaw ako ng kotse, sinamantala ang iyong kabaitan, at marami pang iba. Sana lang maintindihan niyo po ako.
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!
Storyboard That Familie