Ang alam ko ay ang pag-aaralan natin ay tungkol sa mga Teorya na pinagmulan ng Pilipinas.
Aba! Sigurado akong magandang talakayan na naman iyan!
Tama ka dyan, magandang talakayan na naman ang magaganap kasama si Teacher Jen.
Sabi sa akin ng aking magulang, ay marami daw Teorya na pinagmulan ang Pilipinas.
Tama ang magulang mo. Marami ngang Teorya na pinagmulan ang Pilipinas.
Sabi sa akin ng aking magulang, ay may tatlo daw na Teorya na pinagmulan ng Pilipinas.
Oo, may tatlo ngang Teorya na pinagmulan ng Pilipinas. Isa dito ay ang Teorya ng Continental Drift na panukala ni Alfred Wegener. Ang kapuluan ng Pilipinas ay mula sa malaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
Ang pangalawa naman ay ang Teorya ng Bulkanismo na panukala ni Bailey Willis. Ang kapuluan ng Pilipinas ay bunsod ng mga pagtambak ng volcanic material mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan.
At ang pangatlo naman ay ang Teorya ng Tulay ng Lupa. Ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan na mga tulay na lupang nag-uugnay sa mga kapuluan at sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya.
Tara na! Pumasok na tayo at makinig sa ating guro na si Teacher Jen tungkol sa AP ng tayo ay may matutunan.
Sige, upang mas lalo pang lumawak ang ating isip tungkol sa mga Teorya na pinagmulan ng Pilipinas.
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!