Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigansina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking siPilang. Habang nasa daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, maynadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtiladat habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan.
Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin angkamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape atkamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang kumakain. Si Pastornaman ay laging nahuhuling nakatingin kay Pilang. Matapos kumain ay nag-umpisana ang suyuan.
Masasaya silang nag-aararo at makikita ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong napaggawa. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Nagpapakitanggilas sila sa bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimiklamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor,sumusunod lamang si Ore sapagkat mahina na ang kalabaw nito kaya sya aynahuhuli. Kahit malaki na ang kanilang naaararo ay patuloy pa rin sila.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil siPastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Masaya itong lumapitsa mga kasama. Samantala, si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyangkalabaw na pagod na pagod. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan atipinagpatuloy ang ginagawa niya. Inamin ng kasama na sadyang makisig angkalabaw ni Pastor
Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Natiat Pilang habang si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilangsi Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore sa ginawanito. Bagamat natalo si Ore sa pag aararo laban kay Pastor ay nabihag namannito ang puso ni Pilang
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!