Ang Matanda at ang Batang Paruparo Storyboard von angelpresc
Suche

Ang Matanda at ang Batang Paruparo

Kopieren Sie dieses Storyboard
Ang Matanda at ang Batang Paruparo

Storyboard Beschreibung

Isang paruparo na may katandaan, Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay; Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw Binigyan ang anak ng ganitong aral: Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara, Pinapatay bawat malapit sa kaniya. “Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit, ang aking napala’y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak na lumiit.” “At kung ako’y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad na nila, nawalan ng buhay at isang patay na.” Ang pinangaralang anak ay natakot at pinangako ang kaniyang pagsunod; ngunit sandali lang. Sa sariling loob ibinulong-bulong ang ganitong kutob; “Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning? Diwa’y ibig niyang ikait sa akin ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.” “Anong pagkaganda ng kaliwanagan! isang bagay na hindi dapat layuan, itong matanda ay totoo nga namang sukdulan ng lahat nitong karuwagan!” “Akala’y isa nang elepanteng ganid ang alin mang langaw na lubhang maliit, at kung ang paningin nila ang manaig magiging higante ang unanong paslit.” “Kung ako’y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapapala ko? Kahit na nga niya murahin pa ako ay sa hindi naman hangal na totoo.” “Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid sa kanilang gawa ang aking paglapit, sa pananakali’y di magsisigasig sa nagniningningang ilaw na marikit.” Nang unang sandaliy’ walang naramdaman kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Storyboard-Text

  • Gleiten: 1
  • Isang paruparo na may katandaan,Sa lakad ng mundo ay sanay na sanay;Palibhasa'y di nasisilaw sa ilawBinigyan ang anak ng gintog aral
  • Gleiten: 2
  • Ang ilaw na iyang maganda sa mataNa may liwanag nang kahali-halinaDapat mong layuan, iyo'y palamaraPinapatay bawat malapit sa kaniya.
  • Ako na rin itong sa pagiging sabik!Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,ang aking napala’y palad ko pang tikisnasunog ang aking pakpak na lumiit.
  • Gleiten: 3
  • At kung ako’y itong nahambing sa ibana di nagkaisip na layuan siya,disin ako ngayo’y katulad na nila,nawalan ng buhay at isang patay na.
  • Ang pinangaralang anak ay natakotat pinangako ang kaniyang pagsunod;ngunit sandali lang. Sa sariling loobibinulong-bulong ang ganitong kutob;
  • Gleiten: 4
  • Bakit gayon na lang kahigpit ang bilinng ina ko upang lumayo sa ningning?Diwa’y ibig niyang ikait sa akinang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.
  • Anong pagkaganda ng kaliwanagan!isang bagay na hindi dapat layuan,itong matanda ay totoo nga namangsukdulan ng lahat nitong karuwagan!Wika ng batang paruparo.
  • Gleiten: 5
  • Akala’y isa nang elepanteng ganidang alin mang langaw na lubhang maliit,at kung ang paningin nila ang manaigmagiging higante ang unanong paslit.
  • “Kung ako’y lumapit na nananaganoay ano ang sama ng mapapala ko?Kahit na nga niya murahin pa akoay sa hindi naman hangal na totoo.”Wika ng batang paruparo.
  • Gleiten: 6
  • Iyang mga iba’y bibigyan ng matwidsa kanilang gawa ang aking paglapit,sa pananakali’y di magsisigasigsa nagniningningang ilaw na marikit.
  • Nang unang sandaliy’ walang naramdamankundi munting init na wari’y pambuhay,ito’y siyang nagpapabuyo pang tunayupang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!
Storyboard That Familie