Sa kaliwang bahagi ng daan, ang maliit na apoy ay mabilis na kumalat dahil walang makapag sabi sa nangyayari. Ang senyasang kanilang nakasanayan ay naging magulo dahil sa pagkabigla at pagkataranta ng mga tao. At dahil dikit dikit ang mga puno isabay pa ang malakas na hangin at pagkawala ng tubig na magpapatay ay mabilis silang natupok.
Dahil sa nangyari, napagdesisyonan ng lalaki sa kaliwa na oumunta sa kanang daan upang manghingi ng tulong. Laking gulat niya nang siya'y abutan ng papel at pluma. Naalala niya ring ito ang kaparehang pluma na nakita niya noong nakaraan ngunit hindi niya binigyang pansin ito.
Doon niya natutunang ang papel at pluma ay ginagamit ng mga tao roon upang magbigay mensahe sa buong mamamayan sa kanan. Naging mas madali ang kanilang pamumuhay nang matagpuan ng lalaki ang pluma at ginamit ito sa pakikipag usap at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
KAALAMAN PARA SA LAHAT
Hindi man sila makapag usap dahil sa hindi sila makapagsalita ay walang problema nilang naipaparating sa isat isa ang gusto nilang sabihin. Hindi nahiraapang manghing ng tulong ang lalaki sa kaliwa dahil sa nangyari sa kanilang bayan. Buong pusong naghatid ng tulong ang mga taga kanan sa kanila hanggat sa silaa ay makabangon mula sa pagkakasunog ng kanilang bayan.
Pagkatapos ng pagtulong ng mga tagakanan ay bumalik na rin sila sa kanyang bayan. Lubos pusong nagpasalamat ang mamamayan sa kaliwang bayan dahil sa pagtulong na kanilang ginawa. Sa kabilang banda, ang lalaki sa kaliwang bayan ay bumalik kung saan niya nakita ang pluma na bumagsak. Ngunit pagpunta niya roon, hindi na niya ito nakita.
Dahil sa karanasang ito, napagtanto ng lalaki sa kaliwa ang kahalagahan ng sosyedad at literatura lalo na sa kanilang kondisyon na hindi sila nakakapgsalita. Dahil dito, tuwing gabi ay bumibisita siya sa lalaki sa kanan upang manghiram ng pluma. Isinusulat niya rito lahat ng mahahalagang bagay na dapat malaman ng kanyang mga kababayan at siya namang ipinapamigay ang sulat kinaumagahan. Kapag siyay may libreng oras, inaabangan niya ring may liparing pluma tulad noong nakaraan at sisiguraduhin niyang hindi na niya ito palalampasin.
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!