Suche

Unknown Story

Kopieren Sie dieses Storyboard
Unknown Story

Storyboard-Text

  • Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak sigaw at walang tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang higante ay hindi na nakaahon.
  • Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya. Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala roon. “Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo Lus, Minda, Bisaya!” Walang sumasagot.
  • Biglang umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang labi ng ilang pirasong damit na nakasabit sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo.
  • Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na nakataas, nawalan siya ng lakas. “Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo.
  • Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante. Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
  • “Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong sa sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila. “Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas. At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.
Über 30 Millionen erstellte Storyboards
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!
Storyboard That Familie