Si Junjun ay tumitingin ng kanyang mga damit sa kabinet.
Naku! Puro luma at maliliit na pala ang aking mga pang-alis na damit.
Kinausap ni Junjun ang kanyang nanay.
Nay, pwede po ba akong magpabili ng bagong damit? Malapit na po kasi ang aming acquaintance party.
Pasensiya na, anak. Sakto lang ang ating budget sa ating mga bayarin. Wala tayong sobrang pera.
Kinausap naman ni Junjun ang kanyang tatay.
Tay, meron po ba akong pwedeng itulong sa inyong trabaho para ako po ay magkaroon ng pera? Kailangan po kasi ng bagong damit para sa aming acquaintance party.
Magandang ideya yan, anak! Sige, kaysa kumuha ako ng ibang tao, ikaw na lang ang tutulong sa akin sa pag-deliver ng gulay sa palengke.
Hinatid ni Junjun ang mga gulay kay Aling Marta.
Magandang umaga po Aling Marta! Heto na po ang order ninyong mga gulay.
Aba! Ikaw ang katulong ng tatay mo ngayon sa delivery ng gulay. Mabuti yan at salamat. Heto na ang bayad.
Bumalik si Junjun kay Aling Marta.
Aling Marta, sobra po ang binayad ninyo. Heto po ang sobrang pera.
Maraming salamat Junjun! Pagpalain ka nawa ng Diyos.
Binigay ng kanyang magulang ang kanyang pera at...
Talaga po? Maraming salamat po Nanay, Tatay! Excited na akong dumalo sa aming Acquaintance Party.
Anak, sinabi sa akin ni Aling Marta ang iyong katapatan. Kaya, nagdagdag pa siya ng order. Dahil dito, nadagdagan ang ating kinita. Heto na ang pera mo, at ibinili ka na rin namin ng bagong damit.
Über 30 Millionen erstellte Storyboards
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!