Nilinlang kami ng mangkukulam na mga tagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain-- ang lupain na aming minana sa aming mga ninuno, pagsasaad ni Greth.
Are you studying?Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na buhangin, ng dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no'ng una ko siyang makilala.
Nakapagtapos ako sa magandang paaralan at unibersidad. At nakapagtapos ako ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod.
What's that? tanong ni Ms. Winters. This is what is left of my people. Hawak ko ang bote isang hapon, sa tabi ng bintana, tinititigan.
Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng ispiritu natin, ng mga Ata-Manobo. Ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin. Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di nakalimot, di makalilimot. Ang pagpaparangal na ito ay isang insulto. Nanginginig ang aking mga laman habang nakatayo sa gitna ng mga tao. At bigla ang lahat ay naging blangko.
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay Paalam.
Mehr als 40 Millionen Storyboards erstellt
Keine Downloads, Keine Kreditkarte und Kein Login zum Ausprobieren Erforderlich!