Búsqueda

Unknown Story

Copie este guión gráfico
Unknown Story

Texto del Guión Gráfico

  • Nagsimula ang istorya ng gunitain ng guro ang kaniyang alaala sa isang batang minsan niyang naging estudyante. Naisip niya na marahil ay ama na ito o kaya naman ay binata na. Ang batang yaon ay naging tampulan ng tukso dahil sa kaniyang itsura-maliit,bilugan at pipis ang ilong at ang kaniyang pagsasalita ay naiiba sa karamihan. Napansin din ng guro na ang bata ay mahiyain at ‘di nakikihalubilo sa mga kamag-aral. Lumipas ang mga araw at napagtanto ng guro na siya ay isang ulilang mula sa lalawigan at nagtatrabaho bilang utusan.
  • Napansin ng guro ang bata at mula noon ay nakikihalubilo na ito sa mga kamag-aral. Napasusuot na siya sa mga away-bata at nakikipagharutan. Siya rin ang palaging kumukuha at nagsusuot ng tsinelas sa kaniyang guro, bumibili ng minindal nito at naiiwan sa silid matapos ang klase upang maglinis. Masigla niyang binabanggit ang katagang “goodbye teacher” bago siya umuwi.
  • Nang araw ding yaon ay nagawa ng guro ang isang bagay na 'di niya inaasahan. Nasigawan niya ang bata at nasabihan nang masasakit na salita dahilan upang ikapanliit ito ng bata. Nang hapong yaon ay naglinis pa rin siya ngunit 'di na siya nagpapadulas sa mga pagitan ng upuan at nakayuko lamang ito na parang siya ang may kasalanan. Labis na nagsisisi ang guro sapagkat hindi siya nakahingi kaagad ng tawad at nakalimutan niya ang pinagdaraanan ng kaniyang estudyante. Lumabas na noon ang bata na mabigat ang mga yabag, ngunit isang saglit lamang ay bumalik ito upang banggitin ang "goodbye teacher." Simula noon ay natuto ang guro sa bata.
Más de 40 millones de guiones gráficos creados
¡Sin Descargas, sin Tarjeta de Crédito y sin Necesidad de Iniciar Sesión Para Probar!
Storyboard That Family