Akala ko ba matapang ka? Sige takbo…... Selda TAKBO!
Napapagod na ako. Nagmamaka-awa ako sa’yo, parangawa mo na palayain mo na ako.
‘Di basabi mo matapang ka? E pinagtulungan n’yo pa nga s’ya noon. Tuwang tuwa kayo nanakikita siyang nahihirapan.
Noon yun, pinagsisisihan ko pa araw-araw. Nakakulongna ako ngayon dito sa isang selda, tama na, tumigil ka na.
Tumigil? E ‘yan din ang sinabi n’ya sa inyo noongpanahon na tuwang tuwa kayong nakikitang nahihirapan s’ya.
Isang nakakarimarim na ala-ala. Ilang taon ko nangpilit kinakalimutan ngunit magpahanggang ngayon hindi ko na ata kayang takasan.Nakakatakot, nakakasalimuot, nakakainis at nakakagalit. Hinaharang kahit anongpagtakas gawin ko.
Noong panahon na nadapa s’ya, ika’y nandoo’t nakakita. Umasa na tutulungan mo s’ya ngunitwala kang ginawa kundi ang pagtawanan ang sitwasyon n’ya. Kaibigan ka diba? Nanghihinging tulong, pulang likidong tumutulo ngunit wala ka man lang ni sentimos na malasakitna ibinigay.
Andito nanaman s’ya. Araw-araw kong hinaharap angparusa, ngunit araw-araw n’ya pa rin akong pinaparusahan. Si Selda, isang delusyon.
6 Years Ago
Isang nakakapanindig balahibong halakhak.
Sigaw namay kasamang tawa na mala kontrabida.Siya si Selda at sa imahinasyon ko s’ya nakatira. Hindi siya totoo ngunit patuloy n’yangipinapaalala sa akin ang mapait na sinapit ng kaibigan ko noon – si Hiraya.
Tama na! Ayoko na! Parang awa mo na.
Kinitilang sariling buhay, biktima ng pambu-bully. Nasaan ako noong binubully s’ya?Nandoon, pinapanood at tinatawanan lamang ang kaawa-awang Hiraya.Si Selda,para siyang si konsiyensya, ayaw magpatahimik.
Nanditoako sa isang pasilidad pang-mental, sa isang metal hospital. Nakakulong ako sa kwartongwala akong takas sa isang selda kasama ang multo ni Hiraya ngunit sa aking isipbilang si Selda. Ito na ang naging tahanan ko habang nilalabanan ang schizoprenia. Ako si Selda at pinarurusahan ni Selda.
S C H I Z O P R E N I A
Más de 40 millones de guiones gráficos creados
¡Sin Descargas, sin Tarjeta de Crédito y sin Necesidad de Iniciar Sesión Para Probar!