May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at Hinihintay na lamang na sumakay si Maria.
Tiyempong dumating si Padre Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio, Dahil sa nalaman ni Padre Damaso na meron kukunin na kagamitan si Maria Clara sa Beaterio ay tinulungan na niya ito, at pagkatapos nito siya ay nagtuloy na papunta sa bahay ni Kapitan Tiago
Nakita ni Kapitan Tiago ang maaliwalas na mukha ni Padre Damaso, tinanong niya ito kung ano ang pakay niya sa pagdalaw ng Pari sa kanya, sinabi sa kanya na meron silang mahalagang pag-uusapan. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto Tiago.
Natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Padre Damaso. Inintindi ni Padre Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat ng katotohanan sa tunay na nararamdaman ni Maria Clara kay Ibarra. Sinabihan niya ang kapitan na ituloy ang paggawa ng mabuting gawain sa relasyon nina Maria Clara at Ibarra sapagkat alam naman niya na si Maria Clara ay kanyang inaanak.
Pag-alis ng pari, napatingin si Kapitan Tiago sa naka sinding kandila, nag-alay siya ng taimtim na dasal para sa ligtas na paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego
Más de 40 millones de guiones gráficos creados
¡Sin Descargas, sin Tarjeta de Crédito y sin Necesidad de Iniciar Sesión Para Probar!