Hoy, brad! 'Di ako bading noh! Masculado kaya ako!
Ba't ganiyan ka gumalaw? Bading ka noh? Bading, bading!
Noon, hindi pa laganap o masyadong tanggap ng taong bayan ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa kadahilanan ng pagiging konserbatibo at kakulangan ng kamalayan o hindi pagiging bukas. Hindi na nila naihahayag nang malaya ang kanilang totoong sarili dahil sila ay minamaliit at hindi binibigyang-halaga.
Ipakita man nila ang totoong sarili ngunit marami pa ring mapanghusga at nanliliit kaya pinipilit nilang magtago at magpanggap na lamang.
Gawa rin ng pag-unlad ng teknolohiya ay dumadami na ang may kaalaman ukol sa mga iba't ibang seksualidad at expression ng kasarian.
Mga kabataan talaga ngayon, ang daming alam!
Ang dudugyot nila! Bakit hindi na lamang nila tanggapin na sila ay isang babae at lalaki!
Bakit ganito ang mga tao... ang sakit sakit sa damdamin...
Hindi man lang ako makalabas ng bahay nang hindi hinuhusgahan...
Dahil dito, marami ang bumababa ang tingin sa sarili at naiisip na rin nilang hindi sila karapatdapat makakuha ng respeto at pagtanggap.
Sa kasalukuyang panahon, marami na ang open-minded at nirerespeto ang mga miyembro ng LGBTQ+.
Uyy, beh! Long time no see! Ang ganda ganda mo na. Isa ka nang ganap na babae!
Salamat, sis! Ipinagmamalaki ko na ako ay isang transwoman!
Tingnan mo si Ate, Nay! Nakikita ko ang mga katulad niya sa TikTok at nakakaakit ang paraan ng pagpapakita nila ng kanilang kasarian.
Ang ganda nga nila, anak. Nakakataba talaga ng puso ang mga malayang inihahayag ang kanilang seksualidad at kasarian.
Lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ+, nakararanas pa rin sila ng diskriminasyon at inequality kaya palagi tayo magbigay galang at respeto sa kanila,
Marapat na tayo ay rumespeto at magbigay-galang sa bawat isa dahil lahat tayo ay kakaiba sa isa't isa at ang pagkakaisa, pagkakasundo, at pagrerespeto ang magsasama-sama sa ating lahat.
Ipaglaban din ang kani-kanilang mga karapatan, at yakapin at bigyang respeto ang kanilang seksualidad.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados
¡Sin Descargas, sin Tarjeta de Crédito y sin Necesidad de Iniciar Sesión Para Probar!